31.5 C
Manila
Miyerkules, Nobyembre 27, 2024

Araw ng Taraw, ipinagdiriwang sa Puerto Princesa

- Advertisement -
- Advertisement -

IPINAGDIRIWANG ngayong April 5, 2024 ang 53rd Founding Anniversary ng Puerto Princesa Subterranean River National Park na may temang ‘Flourish at 53’.

Ang Underground River na nakapaloob sa Puerto Princesa Subterranean River Natural Park. (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan)

 

Ang pagdiriwang na ito na tinaguriang “Araw ng Taraw” ay isasagawa sa Sabang Wharf, Brgy. Cabayugan.

Ilan sa mga nakahanay na aktibidad dito ay ang coastal clean-up, seedlings propagation, mudball throwing at beach party.

Magsasagawa rin ng paglilinis sa Cabayugan River at pagtanggal ng mga debris at naputol na kahoy dito na dulot ng bagyong Odette noong 2021.

Noong March 26, 1971 nadeklara ng pamahalaang nasyonal ang Puerto Princesa Subterranean River bilang National Park ngunit ayon kay Protected Area Park Superintendent Elizabeth Maclang, dahil natapat ng Holy Week ang founding anniversary ng parke kung kaya’t iniurong ito ngayong April 5. Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park kung saan nakapaloob dito ang Puerto Princesa Underground River (PPUR) ay sumasakop sa apat na barangay, ito ay ang mga barangay ng Cabayugan, Tagabinet, Marufinas at New Panggangan.

Ayon kay Maclang, patuloy ang kanilang isinasagawang pag-iingat at pagprotekta sa nasabing parke upang ma-preserba ang outstanding universal value at ecological integrity ng parke sa tulong na rin ng mga Community-Based Sustainable Tourism sa paligid ng PPSRNP.

Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park ay isa ring Unesco World Heritage Site. (OCJ/PIA Mimamorapa – Palawan)

 

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -