MASAYANG ibinalita in Senador Chiz Escudero ang pagsasabatas ng “No Permit, No Exam Prohibition Act.”
Aniya, “Naisabatas na po ang Republic Act 11984 o ang ‘No Permit, No Exam Prohibition Act.’
“Nagpapasalamat tayo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagsasabatas ng nasabing panukala upang mapakinabangan na ng ating mga mag-aaral sa lalong madaling panahon.
“Sa anumang moral na pamantayan, ang pilit na pagpapaliban sa isang mag-aaral sa pagsusulit ay isa sa mga pinakamalupit na parusa ng buhay. Ito’y hindi lamang nauuwi sa pagkawala ng diploma kundi pati na rin sa pagkamatay ng mga pangarap.
“Now that the measure has become a law, the poor yet deserving students are given the opportunity to finish their education and have a chance for a better future.
(Ibinahagi mula sa opisyal na Instagram account ni Sen. Francis “Chiz” Escudero)