TATANGGAP ng mas mataas na sahod ang mga kasambahay sa Central Luzon simula sa ika-1 ng Abril 2024, matapos ilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang motu propio Wage Order No. RBIII-DW-noong ika-4 ng Marso 2024 kung saan itinataas ang buwanang minimum na sahod ng mga kasambahay ng P1,000 sa Chartered Cities at First Class Municipalities at P1,500 sa Other Municipalities. Magiging P6,000 ang buwanang minimum na sahod sa rehiyon.
Area
Classification |
Minimum Wage Under WO No. RB-III-DW-03 | Amount of Increase | New Minimum Wage Rate for Domestic Workers |
Cities and First Class Municipalities | P5,000 | P1,000 |
P6,000 |
Other Municipalities | P4,500 | P1,500 |
Inaasahang makikinabang ang kabuuang 126,762 na mga kasambahay sa pagtaas ng sahod kung saan ang humigit-kumulang na 9 porsiyento (11,595) sa kanila ay nasa live-in arrangement.
Bilang pagsunod sa mga umiiral na batas at patakaran, isinumite ang wage order sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) para sa pagsusuri at pinagtibay ito noong ika-12 ng Marso 2024. Ipapalathala ang wage order sa ika-16 ng Marso 2024 at magkakabisa 15 araw matapos ang publikasyon, o sa ika-1 ng Abril 2024.
Isinaalang-alang sa pagtaas ng sahod ang resulta ng isinagawang survey at idinaos na pampublikong pagdinig, gayundin ang mga pangangailangan ng mga kasambahay at kanilang pamilya, ang kakayahang magbayad ng employer, at ang kasalukuyang panlipunan-ekonomiyang kondisyon ng rehiyon. Ang Lupon, na binubuo ng mga kinatawan mula sa pamahalaan, namumuhunan, at sektor ng manggagawa, ay nagsagawa ng pampublikong pagdinig sa rehiyon noong ika-25 ng Pebrero, sa San Fernando City, Pampanga.
Magsasagawa ng information campaign ang RTWPB III upang tiyakin ang pagsunod sa bagong wage order. Para sa karagdagang paglilinaw mula sa wage order, maaaring mag-email sa RTWPB sa [email protected].
Ang huling wage order para sa mga kasambahay sa rehiyon ay inisyu noong ika-30 ng Mayo 2022 at naging epektibo noong ika-20 ng Hunyo 2022.