27.7 C
Manila
Lunes, Nobyembre 25, 2024

Kinondena ng Pilipinas ang China dahil sa panggigipit, pananakit ng mga tripulante

- Advertisement -
- Advertisement -

PINUNA ng Pilipinas nitong Martes, Marso 5, ang China sa panliligalig at mapanganib na mga maniobra matapos umanong humarang ang mga sasakyang-dagat nito, gumamit ng mga water cannon, at nagdulot ng banggaan sa panahon ng resupply mission sa isang outpost ng Pilipinas sa pinagtatalunang South China Sea.

Larawan mula sa Philippine Coast Guard

Ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea na ang mga sasakyang pandagat ng Chinese Coast Guard (CCG) at Maritime Militia (CMM) ay nagpakalat ng mga water cannon at nagsasagawa ng “mapanganib na maniobra” laban sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas malapit sa Ayungin Shoal noong Martes ng umaga.

Ayon sa pahayag ng task force, isang Chinese vessel ang nagdulot ng maliit na banggaan sa parehong Philippine Coast Guard vessel at isang civilian resupply boat, na ikinasugat ng apat na Filipino crew members.

China’s latest unprovoked acts of coercion and dangerous maneuvers have put the lives of our people at risk and caused actual injury to Filipinos,” sabi ng pahayag ng PCG

Pinananatili ng Pilipinas ang Ayungin Shoal na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) nito batay sa 2016 ruling ng isang international tribunal. Tinanggihan ng China ang desisyon at inaangkin ang karamihan sa South China Sea.

Kinondena ng Pilipinas ang mga aksyon ng China habang pinatitibay ang pangako nito sa “mapayapa at responsable” na mga solusyon na naaayon sa internasyonal na batas.

The Philippines will not be deterred from exercising our legal rights over our maritime zones including Ayungin Shoal, which forms part of our Exclusive Economic Zone and continental shelf,” dagdag sa pahayag.

We demand that China demonstrate that it is a responsible and trustworthy member of the international community,” pagtatapos ng pahayag. (JCO/PIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -