25.6 C
Manila
Sabado, Disyembre 14, 2024

PBBM nanindigan sa pagdepensa sa  West Philippine Sea

- Advertisement -
- Advertisement -

MARIING nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdepensa sa West Philippine Sea (WPS) sa gitna ng mga ulat na nagdagdag ng  electronic communication ang China na nakagugulo sa mga barko ng Pilipinas sa naturang lugar.

Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang papaalis papuntang Canberra, Australia. Larawan mula sa Presidential Communcations Office

Sa isang panayam bago siya tumulak sa kanyang State Visit sa Australia nitong Miyerkules, nailahad ng Pangulo ang kanyang pag-aalala sa agresibong aksyon ng mga Chinese nautical asset sa WPS.

“Nagbabago ang sitwasyon, but – well, maliwanag naman para sa atin, we don’t really— we just watch, of course, what everybody is doing, but really for us, patuloy pa rin natin, we just defend our maritime territory,” sabi ng Pangulo.

Dagdag pa niya, “We continue to support all of our fishermen, fisherfolks who make their living from these fishing grounds at patuloy naman nating tutulungan sila. At despite whatever else happens, bina-block tayo, kung ano, may shadow, eh patuloy pa rin ang ating gagawin dahil ‘yan naman ang trabaho natin, trabaho natin tulungan natin ‘yung mga fishers na matagal na, ilang henerasyon na doon nangingisda.”

Nagsalita ang Pangulo matapos na mag-ulat ni Philippine Navy spokesperson Commodore Roy Vincent Trinidad noong Martes na dumarami ang mga cyber interference, electronic interference at signal jamming “not only for equipment of the ship but also for land-based communication equipment” ng Philippine Navy.

Mariing sinabi ng Pangulo na hindi magbabago ang tono ng Pilipinas hinggil sa isyu ng  WPS.

Umalis si Pangulong Marcos papuntang Canberra kung saan magsasalita siya sa Parliament ng Australia bilang tugon sa imbitasyon ni Governor-General David Hurley at lalong paigtingin ang bilateral ties ng dalawang bansa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -