26.4 C
Manila
Linggo, Enero 19, 2025

P7.4-M sub-project ng Kalahi-CIDSS sa Bansud, ininspeksyon ng DSWD

- Advertisement -
- Advertisement -

ISINAGAWA ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang huling inspeksyon sa mga sub-projects ng Kapit-bisig Laban sa Kahirapan–Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS) Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay–Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program (KKB-BP2P) sa bayan ng Bansud, katuwang ang municipal inter-agency committee, mga lokal na opisyal ng barangay, community volunteers, at municipal area coordinating team.

Siniyasat ng grupo ng DSWD Mimaropa ang river control project sa Brgy. Villa Pag-asa sa bayan ng Bansud na may sukat na 100 metro na siyang magpoprotekta sa 1,132 residente na naninirahan doon. (Larawan kuha ng DSWD Mimaropa)

Ang mga proyektong isinuri ng DSWD ay ang access road sa mga barangay ng Malo at Manihala at ang river control project sa Villa Pag-asa upang tiyakin ang pisikal na kalagayan  at masiguro ang pagsunod sa mga itinakdang pamantayan ng programa sa mga ito.

Nagkakahalaga ng P1.7 milyon ang proyekto sa Barangay Malo na may habang 0.138 kilometro na kung saan nasa 532 na kabahayan ang magbebenepisyo dito.

Ang proyekto sa Barangay Manihala na may kongkretong haba na 0.200 kilometro at may alokasyon na P1.6 milyon ay mabebenepisyuhan naman ng 286 na kabahayan.

Samantala, aabot sa P4 milyon ang halaga ng river control project sa Barangay Villa Pag-asa na may habang 0.100 kilometro na mapapakinabangan ng 1,132 kabahayan.

Sa kabuuan ng proyekto, nasa 1,950 na kabahayan na matatagpuan sa tatlong barangay ang makikinabang sa mga proyekto na siya nilang magiging pundasyon at magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa ekonomikong pag-unlad, habang ang river control project ay magbibigay ng proteksyon laban sa panganib ng baha at iba pang kalamidad. (DN/PIA Mimaropa – Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -