LUMAGO ang paggasta ng national government para sa imprastruktura at iba pang mga capital outlay sa P1.02 trilyon mula Enero hanggang Nobyembre 2023, kumpara sa P861.8 bilyon lamang noong parehong period noong 2022.
Ang pinakabagong figure, batay sa ulat ng disbursement ng National Government (NG) para sa Nobyembre 2023, ay nangangahulugan ng pagtaas ng P159.8 bilyon o 18.5 porsyento sa paggasta para sa imprastruktura.
“Government spending is vital to national growth. Thus, to help buttress robust economic growth, government agencies must continue to execute their programs and projects as authorized in the annual budget and deliver planned results in a timely manner,” pahayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Mina Pangandaman.
Malaki ang kaugnayan ng pagtaas sa imprastruktura at iba pang mga capital outlays sa disbursement na ginawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagpapatupad ng iba’t ibang mga prayoridad na proyekto at capital outlays gaya ng konstruksyon, rehabilitasyon, renovation, repair, at pagpapabuti ng mga kalsada at tulay, pati na rin ang mga istraktura para sa flood control. Malaki rin ang naging kontribusyon ng pagpapatupad ng iba’t ibang rail transport foreign-assisted projects ng Department of Transportation (DoTr) sa paglago ng infrastructure spending.
P1.510 trilyon, inilaan sa Build, Better, More sa 2024
Samantala, upang maipagpatuloy ang pagpapaunlad ng imprastraktura sa pamamagitan ng Build, Better, More program, naglaan ng may kabuuang P1.510 trilyon para sa infrastructure outlays sa isinabatas na FY 2024 budget. Mas mataas ito ng P180 milyon kumpara sa P1.330 trilyong halaga na inilaan para sa imprastraktura sa 2023 GAA.
“Under the guidance of President Bongbong Marcos, we will continue to provide the much-needed budget to support the Build, Better, More program. The DBM likewise commits to help ramp up infrastructure spending by urging all government agencies to disburse and utilize their infrastructure budget efficiently and promptly. Every peso in our national budget should be spent effectively for the benefit of our economy and, most importantly, the Filipino people,” dagdag ni Sec. Mina.
Layon ng Build, Better, More program ang palawakin ang imprastruktura ng bansa sa pamamagitan ng pag-develop ng mga proyektong pang-kalsada, pang-riles, mass transport, at flood control upang magbigay daan sa pag-unlad ng mga malalayong munisipalidad, alinsunod sa adhikain ng Pangulo para sa isang Bagong Pilipinas.
Ang alokasyon para sa imprastruktura na ito ay katumbas ng 5.5 porsiyento ng inaasahang GDP ng bansa para sa taong ito, na nasa loob ng target na 5.0 hanggang 6.0 porsyento ng gobyerno. Kasama dito ang Public Sector Infrastructure budget ng Department of Transportation (DOTr) at DPWH, na may kabuuang halaga na P26.580 bilyon at P981.999 bilyon, ayon sa pagkakabanggit.