NAGKAROON ng pagkakataon si Senator Loren Legarda na manguna sa pananalangin na ang may akda ay ang Alagad ng Sining na si Franciso Arcellana na isinalin sa Filipino ng kapwa Alagad ng Sining na si Virgilio Almario.
Aniya, “Ngayong araw, nagkaroon ako ng pribilehiyong simulan ang aming sesyon sa Senado sa pamamagitan ng isang panalangin ni Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Francisco Arcellana, na isinalin sa Filipino ni Virgilio Almario na isa ring Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, at ipakilala si Dr. Fritz Hack-Ullmer, ang apo ni Pastor Karl Ullmer, na nag-host sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal noong siya ay nag-aaral sa Alemanya. Ang meeting na ito ay nagpapakita ng matatag na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Germany. “
Nag-ulat din si Sen Legarda na “Tinalakay din namin ang mahahalagang panukalang batas kasama ang Senate Bill No. 2492 at Senate Bill No. 2352, na nagpapakita ng ating dedikasyon sa maritime sovereignty at penal system reform. Inaasahan ko ang mga susunod na araw na puno ng pagpapahalaga sa kasaysayan at pagtutok sa mga batas na huhulma sa kinabukasan ng Pilipinas.” Teksto at mga larawan mula sa Facebook page ni Loren Legarda