NAGBIGAY ng kanyang manifestation si Sen Pia Cayetano sa ginawang privilege speech tungkol sa People’s Initiative ni Sen Joel Villanueva. Ito ang pahapyaw na mga sinabi ni Sen Cayetano.
“Nagpahayag tayo ng shock, ng kaba, ng takot na yung umiiral na pagkakalat ng papirma ng PI eh parang panloloko sa tao. And si Majority Floor Leader Joel Villanueva was one of the most outspoken and vocal. Number one kasi, magaling naman talaga ang communication skills ni Sen. Joel. so ginagamit niya ang presence niya sa social media at masipag ho siya magpa-interview para ipaliwanag yung issue.
“Sa akin pong natatandaan, issue based parati ang mga statements niya. Tinatanong niya na, ano ba ang mga laman ng mga PI na pinipirmahan ng mga kababayan natin, mga kababayan natin na kapos na nga sa pera, hindi mapakain ang mga anak nila, tapos kung talagang gusto nila ng pagbabago, okay. Pero ano ba yung pinapipirmahan na yan? So dahil sa mga ipinakita niya, pati tayo, tayong mga internal na discussion natin, kasama ang mga ibang kasamahan natin dito sa Senado, including Sen. Imee, Sen. Loren, marami ho sa atin, nag-usap-usap tayo, yun nga wala pa hong session nun. And nakita natin, nakakuha tayo ng mga kopya nung mga pinapapirmahan na people’s initiative. Ni wala ngang nakasaulat po doon na probisyon ng batas kunwari tungkol sa pagandahin ang livelihood, o pamurahin ang gamot, o yung bigas at yung mga magsasaka at mangingisda, mabigyan ng suporta. Walang ganun eh. Tungkol ho yun sa voting jointly and voting separately. Ang effect po ng pinapapirmahan na voting jointly, eh mawawalan ng boses ang Senado, na since time immemorial eh bumoboto separately kahit nga po sa mga paggawa ng bagong kalye.
“So yun lang naman yung mga paliwanag ni Sen. Joel. So, nagtataka ako na ang response na nakuha niya eh hindi lang pambabatikos.
Pero, kapag naman yung nagbigay siya ng pahayag, o kaya yung mga statement niya sa media kung saan inilalabas lang niya yung kailangan maintindihan ng tao na epekto ng pinipirmahan nila na may ebidensya na may mga grupong nagpapapirma, bakit hindi siya sagutin ng maayos tungkol doon? Kung yung mga taong natatamaan bakit hindi sila magpaliwanag na, “hindi ganito ho yun, yung pinapapirma namin, ganito…” Bakit ang balik eh kung anu-anong kasinungalingan na iniimbento para ano ba dungisan ang mabuting pangalan ni Sen. Joel Villanueva? Hindi ho nagagawa nang basta-basta yun kahit anong pagdudungis na ginawa niyo. Ang taong may takot sa Diyos, yung totoong takot sa Diyos, hindi ho yan kayang madungisan. Kumbaga parang water and oil lang po yan. Paano ko ba sasabihin sa Tagalog yun… Tubig at langis, alam niyo na yun. Hindi ho naghahalo yun. So kung may ibabatikos ng maayos sana, eh di pakinggan din natin. Pero yung basta-basta lang may mga allegations na para lang siraan ang pagkatao ng isang kasamahan natin na buong buhay niya eh binigay niya sa taumbayan, sa Diyos, hindi po tama yun. At tayo ho dito ay naninindigan, nagbibigay ng suporta dahil ang kaibigan natin, ang gusto niyang gawin, trabaho. Araw-araw po yan mga kaibigan, mga kababayan. Araw-araw siya ang nagme-message sa amin kung ano ang agenda. Tapos maraming nagagalit sa kanya kasi kunyari gusto ko una yung sa akin, eh gusto din ni Sen. Angara, una ang sa kanya, gusto din ni Sen. Bato una ang sa kanya… Kami-kami, “Ito talaga si Joel, inuna yung sa kanya oh, inuna yung sa kanya.” So si Sen. Bato yan ang pinakahuling uuwi kasi maggi-give way yan… sa akin para mauwian ko yung anak ko, maraming salamat.
Siya lahat sumasalo nun, mga kababayan. He is a hardworking, honest senator. And he took time, he took time out of his job, nagagalit nga siya na kailangan niya tumayo dito para ipaliwanag yun dahil gusto niya, trabaho agad. Gusto niya yung minimum wage bill ng ating Senate President, na halos lahat na yata po kami ay co-sponsor, yan ang pag-usapan. But we cannot also allow na basta-basta hong nagbabato, nagtatapon, nag-iimbento ng kasinungalingan ang mga ibang tao laban sa isang humble and simple public servant in the person of our brother, Sen. Joel Villanueva.