NAG-ULAT si Sen Ronald “bato Dela Rosa sa kanyang Facebook page sa nangyari sa Senado nitong Pebrero 12.
Aniya, “Nitong Lunes, dumepensa ang Senado sa mga di makatarungang paratang ng ilang miyembro ng Kamara kay Senate Majority Floor Leader Joel Villanueva.
“Sa parehong sesyon, binigyang pugay din ang 2023 Gawad sa Manlilikha ng Bayan for Ilocano Oral Traditions Awardee na si Adelita Romualdo Bagcal at ipinasa sa ikalawang pagbasa ang Eddie Garcia Bill na layong proteksyunan ang mga manggagawa sa industriya ng radyo, pelikula at telebisyon. Pinaigting din ang panawagan sa pagmodernisa ng Bureau of Customs matapos makapasok ang dalawang Bugatti Chiron sa bansa na hindi napapatawan ng tamang buwis.”