26.8 C
Manila
Martes, Enero 21, 2025

Mainit na usapin tungkol sa Charter Change, alamin

- Advertisement -
- Advertisement -

Ikalawang bahagi

SA unang bahagi ng artikulong ito (https://www.pinoyperyodiko.com/2024/02/09/balita/mainit-na-usapin-tungkol-sa-charter-change-kailangang-himayin/5401/) tinalakay kung ano ang ibig sabihin ng Charter change, ang anim na pagtatangka ng mga nakaraang administrasyon at kung paano ito isasagawa. Sa isyung ito, tatalakayin ang pagtatangka na isinasagawa ngayon ng People’s Initiative for Reform Modernization and Action (Pirma) na pinamumunuan ng mayamang negosyante na si Noel Oñate.

(Mula sa kaliwa) Lawyer Evaristo Gana, Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia at National-Lead Convenor ng People’s Initiative for Reform Modernization and Action (Pirma) Noel Onate habang sinasagot ang mga tanong tungkol sa kampanyang People’s Initiative para amyendahan ang Saligang Batas na ginanap sa Kapihan sa Manila Bay noong Enero 24, 2024. Larawan kuha ni MIKE ALQUINTO

Martes, Enero 9, 2023, lumabas sa mga telebisyon and paulit-ulit na commercial na tumutuligsa sa Konstitusyon at sa EDSA People Power Revolution ng parehong kampanya ng grupong sumubok na baguhin ito noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Kinabukasan, Miyerkules, napag-alaman na ang TV ad na ipinalabas sa iba’t ibang network ay binayaran ng Gana Atienza Avisado law firm para sa kanilang kliyente na People’s Initiative for Reform Modernization and Action (Pirma) na pinamumunuan ng mayamang negosyante na si Noel Onate.

May temang “Edsa-pwera” (isang dula sa Pilipino “etsapuwera,” ang ad ay nagpapakita na ang Konstitusyon ay nabigong maiayos ang pangako nitong maayos ang edukasyon at agrikultura, at ipinakitang ang nagtamo lamang ng kasaganaan ay ang mga malalaking negosyo at mga monopolya.


Ayon sa ad, “napapanahon na para aksyonan ito,” “Dapat nang baguhin ang depektibong 1987 Konstitusyon,” “Gawing ‘saligang patas’ ang Saligang Batas.”

Nagkakahalaga umano ang ad sa telebisyon ng P55 milyon.

Legalidad ng PI, kinuwestyon

Kinuwestyon ang legalidad ng ‘People’s Initiative’ ng ilang oposisyon sa Kongreso. Kamakailan ay inakusahan ni Congresman Edcel Lagman at ng Makabayan bloc ang mga tagasuporta ng People’s Initiative na binayaran ang mga tao para lumagda.

- Advertisement -

Samantala, ito ang naging pahayag ni Senador Maria Josefa Imelda “Imee” Marcos tungkol sa People’s Initiative sa kanyang Facebook page sa isang panayam noong Enero 27, 2024.

“Kung gusto talaga na palitan ang ating mga probisyon sa Saligang Batas, gawin natin sa tamang pamamaraan. Alamin ng tao ang mga isyu, suriin ng maigi, konsultahin ang bawat sektor at gawing maayos ang pagtatanggap ng mga pirma diyan sa Comelec—hindi bayaran! Hindi for sale ang mga Pilipino!”

Alegasyong sangkot si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez

Ayon sa ulat ng The Manila Times, sa pagsisimula ng pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation tungkol sa people’s initiative, inamin ni Oñate na nakipag-join forces sila kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at iba pang mga kinatawan na nangalap ng mga pirma upang isulong ang Charter change o Cha-cha. Sa katunayan, nakipag-meeting pa umano si Romualdez sa grupo noong Pebrero 8 ng gabi bago maipalabas ang ad noong Pebrero 9.

Paliwanag ni Oñate, humingi siya ng tulong kay Romualdez para makakuha ng 3 porsiyento pirma kada congressional district, isa sa mga kinakailangan para matuloy ang Charter change.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang pag-amyenda sa batas ay maaaring direktang ipanukala sa pamamagitan ng People’s Initiative kung saan 12 porsyento ng lahat ng botante ay susuporta sa petisyong ito kung saan ang bawat isang distrito ay may tatlong porsiyento sa kabuuang ito.

- Advertisement -

Ang 12 porsiyento ay katumbas ng walong milyong botante ng Pilipinas.

Samantala, mariing itinanggi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang alegasyon na mayroong “unethical practices” o panunuhol sa nagaganap na pagpapapirma para sa People’s Initiative at sinabing nakakasira ito sa demokrasya.

Sa isang pahayag sinabi niya na nirerespeto at sinusuportahan niya ang PI bilang isang malayang proseso ng mga mamamayan pero hindi nakikialam ang Kongreso sa pangangalap ng mga pirma.

“I vehemently denounce any allegations of bribery or unethical practices in persuading citizens to sign the petition for the People’s Initiative. Such actions, if true, would violate the initiative’s spirit of honest and voluntary participation and erode our democratic foundations,” paliwanag ni Romualdez.

“The House does not endorse or sanction direct participation by its members in signature gathering, ensuring the process’s integrity and independence remains intact,” dagdag pa niya.

PBBM inatasan ang Comelec na invalidate ang PI signature campaign

kung may “bayaran” na naganap

Ayon sa ulat ng Presidential Comnmunications Office, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  na ang mga pirma na kinalap para People’s Initiative na nakuha dahil may kapalit na “bayad” ay dapat na pawalang-bisa ng Commission of Elections.

“Well, pagkabinayaran ‘yung signature, hindi tatanggapin ng Comelec ‘yun. So walang magandang mangyayari,” sabi niya sa isang panayam.

Pero sinabi rin niya na paiimbistigahan niya rin ito sa Kongreso at sinabing wala namang “bayaran” na naganap.

“So, ang pagkakaalam ko hindi naman, wala namang ganoon. Ang sinasabi hindi bayaran ng cash, kundi nangangako ng kung anu-anong benefits. Tinitignan namin, sabi ko, “itinanong ko sa ating legislation, totoo ba ‘yan?,” paglilinaw ng Pangulo.

“We just let Comelec do their job and their work to validate the signature. And if there’s suspicion na may ganoon nga ay hindi talaga mabibilang ang mga signature na ‘yun,” dagdag pa ng Pangulo. May dagdag na ulat ni Sheryll Alhambra

(May karugtong)

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -