26.7 C
Manila
Sabado, Disyembre 21, 2024

Cayetano, susuriin ang Nuclear Regulation Act sa muling pagdinig nito sa Senado

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKATAKDANG suriing muli ni Senador Alan Peter Cayetano ngayon, Pebrero 12, ang panukalang Philippine Nuclear Regulation Act na naglalayong magtatag ng regulatory framework para sa paggamit ng radioactive materials sa iba’t ibang industriya sa buong Pilipinas.

Sa naunang pagdinig ng Senado noong December 2, 2023, binigyang-diin ni Cayetano, na siyang chairman ng Senate Committee on Science and Technology, na ang panukalang batas ay nakatuon sa regulasyon, hindi sa pagtatatag ng bagong nuclear power plant.

“Doon sa mga may agam-agam, may doubt sa nuclear power plant, nuclear energy: this bill is not to put up one (nuclear power plant). It’s precisely to have the institution and the right people to be able to assess [the use of nuclear energy],” wika niya.

Malaki ang epekto ng pagdinig nito sa Lunes sa posibilidad ng paggamit ng nuclear energy sa Pilipinas. Tatalakayin sa Senado ang mga pangunahing isyu tulad ng ligtas na paggamit ng radioactive materials, kaligtasan ng publiko, at pagbuo ng tiwala ng publiko sa teknolohiya.

Ang iminungkahing Philippine Nuclear Regulation Act ay bahagi ng isang mas malawak na pagsusulong nito kasama ng House Bill No. 9293, o ang “Philippine National Nuclear Energy Safety Act,” na nagmumungkahi ng paglikha ng Philippine Atomic Energy Regulatory Authority (PhilATOM).

Bilang independent body, nilalayon nitong bigyan ng lisensya ang mga pasilidad na gumagamit ng mga radioactive materials, tulad ng mga ospital na may mga serbisyo sa radiology, at tiyakin ang ligtas na paggamit ng nuclear energy sa bansa.

Nauna nang ipinahayag ni Cayetano ang kanyang suporta kay DoST-Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) Director Vallerie Ann Samson, na idiniin na ang nuclear energy ay hindi lamang ginagamit para sa power generation kundi maging sa agrikultura, medisina, at iba pang industriya.

“I’m happy that we’re tackling this early in the administration kasi kung mid-term na o pahuli na, maipasa man ito, y’ung implementation [sa susunod na administration pa],” wika ng senador.

Sa nalalapit na pagdinig ng Senado, inaasahang magbigay ng karagdagang kaalaman ang mga eksperto at stakeholders sa proposed bill at ang mga potensyal na implikasyon nito sa energy landscape, kapaligiran, ekonomiya, at kalusugan ng publiko sa bansa.

Bukod sa mga ekspertong nakilahok sa inisyal na pagdinig ng Senado, marami pang bisita mula sa ibang sektor ang dumalo para malinawan sa panukalang batas.

Kabilang sa mga ito si Barangay Captain Eriberto “Bobot” Ibarra ng Palatiw, Pasig City na hinimok ang publiko na maging bukas at pag-aralan ang plano ng mga mambabatas.

“Hindi sila dapat matakot kasi nga ito ay araw-araw halos nang ginagamit sa ospital. Hindi lang tayo aware kung ano itong mga ito. [Kaya] maglalagay sila ng nuclear department para magkaroon tayo ng awareness at magkaroon tayo ng safety doon sa mga ginagamit na kemikal,” wika niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -