29.1 C
Manila
Biyernes, Nobyembre 8, 2024

Regional direction para sa 2024, itinakda ng DoLE

- Advertisement -
- Advertisement -

BILANG bahagi ng mga hakbangin ng Department of Labor and Employment (DoLE) na palakasin ang mga serbisyo at programa nito na proteksyunan  ang mga manggagawa at lumikha ng  disenteng trabaho para sa lahat, isinagawa ng DoLE Regional Operations Cluster ang 2024 annual planning exercise na ginanap sa Ichikawa Hall ng Occupational Health and Safety Center sa Quezon City noong Enero 29-30, 2024.

Pinamunuan ni Labor Relations, Policy and International Affairs Cluster Undersecretary Benedicto Ernesto Bitonio Jr. (gitna, unang larawan) ang planning exercise, kasama sina (mula kaliwa, pakanan) Legislative Liaison and Legal Affairs Cluster Undersecretary Felipe Egargo Jr.; Employment and Human Resource Development Cluster Undersecretary Carmela Torres; at Assistant Secretaries Lennard Constantine Serrano (kanan, unang larawan),  Paul Vincent Añover (kanan, pangalawang larawan), Dominique Rubia-Tutay (kaliwa, pangatlong larawan), at Warren Miclat (wala sa larawan).  Nakibahagi naman si Secretary Bienvenido Laguesma (wala sa larawan) sa grupo sa ginanap na executive meeting.

Dinaluhan ng mga regional director, pinuno ng mga bureau at service, at mga opisyal ang dalawang araw na aktibidad na nakatuon sa mga target ng 2024 at alokasyon ng badyet, digitalization, at implementasyon ng mga programa ng DoLE, gayundin ang mga isyu sa mga polisiya sa pagpapatupad ng mga patakaran sa mga rehiyon at mga mungkahing istratehiya para tugunan ang mga nasabing usapin.

Ang mga nagtalakay sa unang araw ay sina Dir. Adeline De Castro ng Planning Service, OIC-Dir. Edithliane Tadeo ng Financial and Management Service, Dir. Patrick Patriwirawan Jr. ng Bureau of Local Employment, at Dir. Alvin Curada ng Bureau of Working Conditions.

Ang ikalawang araw ay pinangunahan naman nina Bureau of Labor Relations Dir. Maria Consuelo Bacay, Bureau of Workers with Special Concern Dir. Ahmma Charisma Lobrin-Satumba, National Wages and Productivity Commission Exec. Dir. Criselda Sy, at Assistant Secretary Añover.

Ang taunang planning exercise ay sinundan ng management training na ginanap sa parehong lugar noong ika-31 ng Enero. (Kuha ni Alejandro Echavez, DOLE-IPS) 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -