KADA buwan ng Pebrero ay ipinagdiriwang ang National Oral Health Month.
Kaugnay nito, kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa selebrasyong ito ngayong buwan na may temang “Let’s DOH-8! Vision 70-20: Opan Iwas Bungal!”
Ayon kay Dr. Vallesteros, sa ilalim ng Vision 70-20 hindi lamang ang mga senior citizen ang tututukan ng pansin kung hindi ang buong life cycle ng isang tao, mula sa pagbubuntis hanggang sa pagtanda.
Ang ibig sabihin ng 70-20 sa 70-20 vision ay mga Pilipino na may edad 70 at pataas ay may 20 at pataas pang functional na ngipin.
Hinikayat din ni Vallesteros ang mga Pasigueño na mag “Let’s DOH-8!” (I-check ang material para sa mga hakbang sa pagpapanatili ng oral hygiene.)
Samantala, bahagi rin ng naging kick-off ceremony ang pagkilala sa ilang senior citizen mula sa iba’t ibang barangay ng Pasig na nagsisilbing role model ng Vision 70-20. Bukod sa certificate ay nakatanggap din sila ng timba kit mula sa Department of Health (DoH). (Pasig City/PIA-NCR)