27.8 C
Manila
Sabado, Disyembre 21, 2024

Kasunduan ng DICT, PDAO Calapan para sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, isinagawa

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGPULONG kamakailan para sa gagawing kasunduan sa pagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Oriental Mindoro at ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Calapan para sa pakikipag-isa nila sa programang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na ipatutupad ng una para sa mga taong may kapansanan o Persons with Disability (PWD) ng lungsod na ito.

Kumatawan sa DICT si Development Officer II, Keanu Oracion habang si Benjamin Agua Jr. ay sa hanay ng PDAO kung saan kanilang pinag-usapan ang posibleng pagkakaisa ng kanilang tanggapan ang alok ng DICT para sa nalalapit na programa ng pambansang pamahalaan, ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.

Tinalakay din ng magkabilang panig ang maaaring gawing proyekto at programa, gayundin ang iba pang mga kaganapan na mapapakinabangan ng kapwa partido.

Layunin ng dalawang ahensiya na maipatupad ang mga pagbabago, kakayahan sa gawain, at mapabilang sa tamang paghahatid ng mga kailangan serbisyo para sa mamamayang Pilipino. (DN/PIA Mimaropa-Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -