27.2 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Cayetano, isusulong ang kapakanan ng OFWs sa Senate hearing

- Advertisement -
- Advertisement -

ISINUSULONG ni Senador Alan Peter Cayetano ang mas matibay na mga hakbang upang tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ito ay sa gitna ng plano na talakayin ng Senado nitong Pebrero 7, 2024 ang pagpapatupad ng OFWs Financial Literacy Enhancement Act at mga isyu na malaki ang epekto sa mga OFWs — kabilang  na ang illegal recruitment .

“When people get desperate or are into an economic crisis, there would be many recruiters or employers duping those vulnerable, or in countries that have troublesome histories with the rights of migrant workers, we see them getting abused,” wika ni Cayetano.

Si Cayetano, na dating Foreign Affairs Secretary, ang pangunahing may-akda ng batas sa pagbuo ng Department of Migrant Workers (DMW).

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga illegal recruitment sa OFWs, patuloy na ipinaglalaban ng senador ang pagpapatibay ng mga regulasyon sa proseso ng employment at deployment.

Sa pangunguna ni Senator Raffy Tulfo, tatalakayin din ng Senate Committee on Migrant Workers ang Senate Bill No. 2078, o mas kilala bilang OFWs Financial Literacy Enhancement Act.

Naglalayon itong obligahin ang mga OFW na dumalo sa seminar ukol sa pangkaalamang pinansyal bago umalis ng Pilipinas at pagdating nila sa kanilang mga bansang destinasyon.

“Our overseas Filipino workers are our modern-day heroes,” naunang pahayag ni Cayetano.

“They sacrifice so much to provide for their families and contribute to our national economy. We owe it to them to ensure that they are protected and well cared for,” dagdag niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -