27.6 C
Manila
Lunes, Nobyembre 25, 2024

Balik Hunyo na pasukan, pinaplano na

- Advertisement -
- Advertisement -

INILALATAG na ng Department of Education (DepEd) ang plano na unti-unting ibalik sa Hunyo ang simula ng pasukan sa mga paaralan sa bansa.

FILE PHOTO

Sa isang pagdinig sa Kongreso ng Committee on Basic Education, sinabi ni DepEd Director Leila Areola na nagbabalangkas na ang kagawaran ng pag-amyenda sa DepEd Order 22, s. 2023, na pumapatungkol sa opisyal na kalendaryo at nakatakdang aktibidad para sa school year 2023-2024.

“Sa ngayon ang galaw namin ay unti-unti itong ibalik sa Hunyo (For now the move is for us to gradually revert to June),” ani Areola.

Magkagayunman, hindi ito isasakatuparan agad ngayon parating na Hunyo para sa school year 2024-2025, ayon pa kay Areola.

Nauna rito, inihayag ni Bise Presidente at DepEd Secretary Sara Duterte na nagkaroon ng konsultasyon sa mga grupo ng guro, mga magulang, mag-aaral at iba pang grupo kaugnay ng plano na ibalik sa Hunyo hanggang Marso ang pasukan.


Nagsimulang mabago ang unang araw ng pasukan nang pumutok ang pandemya noong 2019 kung saan hindi natuloy ang pagbubukas ng klase ng Hunyo, bagkus ay naging Oktubre.

Nang sumunod na taon, ginawa na itong Agosto hanggang Mayo. Ito pa rin ang pinapairal ngayong SY 2023-2024.

Tutol naman si Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez sa planong ibalik sa Hunyo ang pasukan sa mga paaralan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Rodriguez na ang tag-ulan ang pangunahing dahilan bakit sya tutol dito.

- Advertisement -

“Panatilihin na lang ang kasalukuyang academic calendar para sa kapakanan ng ating mga anak. Ilayo natin sila sa mga sakit gaya ng sipon, lagnat at trangkaso na mga sakit pag tag-ulan. (Let’s retain the present academic calendar for the sake of our children. Let’s spare them from rainy season ailments such as colds, fever and flu),” aniya.

Base aniya sa mga nakaraang pag-aaral, mas kakaunti ang mga araw na maulan sa kasalukuyang school calendar.

“Huwag natin hayaan maranasan nila ang mas maraming ulan, pagbaha at mas maraming banta ng sakit dulot ng tag-ulan. Kawawa naman ang mga maliliit na bata– ang mga nasa pre-school, kindergarten at mga batang mag-aaral. (Let’s not expose our students and children to more rain, more flooding and more rainy-day health risks. The young — those in pre-school, kindergarten and in the grades — are the most vulnerable),” ani Rodriguez.

Kung kakaunti aniya ang araw na nag-uuulan, kakaunti rin ang pagsususpindi sa klase.

Isa pa aniya, sanay na ang mga mag-aaral sa kasalukuyang school calendar na Agosto hanggang Mayo.

Ayon naman kay House Deputy Minority Leader and ACT Teachers Rep. France Castro ang panukala  na ibalik sa dati ang simula ng klase ay dahil sa mga kahilingan ng mga mag-aaral, guro at mga magulang.

- Advertisement -

Aniya, sanay  ang mga guro at mag-aaral na pumasok kahit umuulan subalit mas maraming nasasayang na oras kapag tag-araw dahil hindi makapagklase sa tindi ng init.

Gayundin, ang mga malalakas na bagyo ay dumarating madalas kapag Agosto at Nobyembre.

Sinuportahan rin ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang plano na ibalik sa Hunyo ang simula ng klase.

Aniya, maigi ito dahil sa lumalalang climate change at mabuti rin ito para lumakas ang lokal na turismo sa bansa.

“With the worsening climate change, they need not suffer under extreme conditions and risk their health,” ani Barbers sa isang pahayag.

“With summer vacation returning, our domestic tourism will have a most needed boost as families can again enjoy going on vacations around the country, a tradition that was lost when the school calendar was changed years ago. This will greatly contribute to the recovery of the local economy,” dagdag pa niya.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -