SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagtitiwala pa rin siya kay Bise Presidente at Kalihim ng Department of Education (DepEd) Sara Duterte sa kabila ng mga kritisismo na tinatanggap ng Pangulo mula sa ama nito na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, sinabi rin ng Pangulo kahapon, Martes, na kasalukuyan nilang pinag-aaralan ang pinakamagandang paraan para baguhin ang ilang bahagi ng Konstitusyon sa pammagitan ng pagsangguni sa mga eksperto sa batas.
“That’s why we are asking mga former Justices, si Chief Luke (Executive Secretary Lucas Bersamin)… our legal counsel and our soon to be centenarian na legal counsel na si Mang [JFPE] at ‘yung mga constitutionalist ay tinatanong natin. Ano sa palagay ninyo ang pinakatamang gawin?” sabi ni Presidente Marcos. Halaw sa ulat ng Presidential Communications Office Facebook page