INILAHAD ni Senador Risa Hontiveros noong Enero 29 and kanyang privelege speech. Narito ang ilang bahagi nito.
Kahapon, isinagawa ang Bagong Pilipinas movement na rally sa Quirino Grandstand. Sa Davao naman, may prayer rally. At ngayon, Lunes, nakatayo na tayo sa sangandaan ng kasaysayan. Now that the dust has settled, we can see clearly now. Malinaw na ang lahat sa ating mga kababayan.
Ang malinaw sa lahat: parang may mali. Pinangakuan nila tayo ng unity, pero wala pang midterm, wala na kaagad na kahit anong bahid ng unity.
Habang nililito nila tayo dito sa Maynila ng bangkaroteng pirmahan para sa People’s Initiative, meron palang gustong bumalik sa kapangyarihan at iwasang panagutan ang kanyang mga kasalanan.
Mr. President, nanalo kayo dahil pagod na ang ordinaryong Pilipino sa away at girian, pero ano ang ipinakita niyo nitong Linggo? Tunggalian na naman. Kontrahan na naman. Pinapili na naman ang mga Pilipino sa pagitan ng dalawang maimpluwensiyang pamilya.
Sa gitna ng makikintab na entablado, mga sayawan at kantahan, pinapamudmod na pera, at sunud-sunod na political acrobatics at mada-dramang mga speech sa parehong event, ang tanong pa rin: nasaan na ang ating bansa?
Kung tatanungin ang mga Pilipino, ang kailangang tugunan ay ang presyo ng pagkain, at ang pagtaas ng sweldo, lalo na ng mga minimum wage earners. Pagpapatigil sa kurapsyon, kahirapan, at kagutuman ang dapat tutukan. Walang naghahanap ng pagbabago ng Konstitusyon kundi yung mga gahaman.
Nagulat na lang tayong lahat na habang nagno-noche buena kasama ang pamilya, isinusulong na pala nang pailalim ang isang signature campaign para sa huwad na People’s Initiative. Hindi pa nauubos ang tirang fruit salad sa refrigerator, naabot na agad nila ang 3 porsiyento na kailangang maabot na pirma sa bawat legislative district.
At dumating na nga sa paghahakot para sa tinawag nilang Bagong Pilipinas movement na rally sa Quirino Grandstand. Ang sabi ng Presidential Communications Office o PCO, wala daw itong kinalaman sa tulak para sa People’s Initiative. Mawalang galang po, pero sino po ang niloko ninyo?
I would like to show evidence, Mr. President, of how well-coordinated that entire exercise was. Government workers were mobilized across agencies (at mayroon pang mga opisina na talagang may tahasang utos sa kanilang mga empleyado na sumama), at ito naman utos sa mga barangay na magpadala ng mga tao.
Worse, ginamit pa ang mga lehitimong serbisyong panlingap para pilitin ang mga bulnerableng tao na dumalo. Ito po, example ng mga AICS payout na ginagawang pabuya para makadalo sa rally. Kaya hindi po nakakapagtaka kung bakit ganoon po kadami ang dumagsa sa Quirino Grandstand kahapon, eto po kumikinang sa kaputian ang mga video.
Ginagawa po tayong tanga kung ang ipipilit ng PCO na wala itong kinalaman sa charter change, na ang pinaka-umaatikabong usapin ngayon. Hindi po tayo pinanganak kahapon para utuin nila na ito ay paraan para, and I quote Usec Barra, “macommunicate ng pamahalaan ang kanyang commitment to level up its services”. Mag level up lang pala ng service, bakit kailangan pa ng rally? Gawin niyo na lang po.
I have evidence that payouts were taking place at the rally and given to those who signed the petition or mobilised others to sign the petition. Eto po, patikim.
Again, now that the dust has settled at nakapag-baklas na sila ng mga LED screen at mga stage: hindi naman ito tungkol sa Bagong Pilipinas. O sa bagong mukha ng Pilipinas. Hindi ito tungkol sa patriyotismo o pagmamahal sa bayan. Tinipon ang mga kababayan natin para sa mga pirma nila, kasama ang napakaraming mga “souvenir”.
Mr. President, dear colleagues, my fellow Filipinos: ito lang ang dapat nating maintindihan sa nangyayaring alitan tungkol sa Charter Change: Hindi ito alitan lamang ng Senado at ng Kongreso. Wag niyo kaming pagsabungin na para parang mga kristong nanghahanap ng mas marami pang tataya. Kinabukasan natin ang pinag-uusapan dito, kaya bigyan naman natin ng dangal at respeto ang Saligang Batas.
Of course, this is an attempt to ease the Senate out by introducing the sentence “voting jointly”. But wait. There’s more.
The bigger story is that by sheer mathematical numbers, the House of Representatives, the leadership of which is by tradition aligned with the Executive, could unilaterally change the Constitution according to the dictates and desires of the sitting President. Hindi lang po ito sa Presidente ngayon, kundi ang lahat ng susunod na president sa kasaysayan ng Pilipinas.
Paano kung ang susunod na liderato ay gusto padaliin ang proseso ng pagdeklara ng Martial Law? O tanggalin ang mga karapatan ng manggagawa? Paano kung gusto lusawin ang Bill of Rights? O tanggalin ang term limits ng Presidente? Katawa-tawa naman ‘yan, na pag ang usapin ay papalitan ang pangalan ng kalsada, o kaya gagawa ng national high school, sasabihin, magkahiwalay na pasya ng Senado at HOR. Pero sa usapin ng Saligang Batas, na kaluluwa ng bansa, House lang ang magpapasya?
If we allow this, we do not just unbalance the powers of the Senate vis a vis the House of Representatives, we weaken our democracy. We render our democracy unrecognizable.
And yet, Mr. President, mga minamahal kong kababayan, hindi natin kailangan mamili sa dalawang nag-uumpugang mga bato. Lalo na kung ang tanging inihain lang naman sa handaan ay kahirapan at korapsyon.
There is always an alternative.
At ang unity natin, hindi unity ng mga makakapangyarihang pamilya na may agenda, kundi unity ng mga ordinaryong mamamayan na nagmamahal sa ating bansa.
Sa tunay na bagong Pilipinas, walang agricultural smuggling, at hindi binibigyan ng special treatment ang mga paboritong importer. Sa tunay na bagong Pilipinas, walang confidential funds para sa mga di karapat-dapat na civilian agencies, at walang P125 billion na naubos ng 11 days.
Sa tunay na bagong Pilipinas, matapang na humaharap sa China at pinagtatanggol ang ating karagatan at ang ating mangingisda. Hindi pinamimigay ang ating yaman dagat at nagtatago sa saya ng mga trolls. Sa tunay na bagong Pilipinas, walang EJKs, walang kaduda-dudang Maharlika Fund, at tunay na malaya ang bawat Pilipino.
Kay Presidente at sa mga naghahari-harian sa Davao: We see through you. We see through your lies and grandiose promises. You will not divide us. Hindi nyo mabubuwag ang demokrasya at kalayaan sa bansang ito.
And to my fellow Filipinos: let us speak truth to power. Uncover reality. It is only with truth that we strike our path amidst the smoke and mirrors. What is at stake is the future of the Philippines, not just the future of the Dutertes or the future of the president’s family.