NAGSAGAWA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Mimaropa sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Micro Enterprise Development Training (MEDT) II at Basic Business Management Training (BBMT) sa 60 benepisyaryo mula sa mga bayan ng Sta. Cruz at Gasan, Marinduque noong Enero 8 hanggang 16.
Nagmula ang mga kalahok sa pagsasanay sa limang SLP assosciations sa probinsya, ito ay ang United B SLPA, Nagkakaisang Negosyante, Masikhay, Pagsusumigasig, at Tiguion Vendors SLPA. Gayundin, mayroong anim na indibidwal na nagmula sa mga referral mula sa mga nabanggit na bayan. Tatanggap ang mga nabanggit na benepisyaryo ng livelihood grant na may kabuuang halaga na P900,000.00.
Ilan sa mga napagpulungan sa gawain ay ang mga paksa hinggil sa threats to sustainable livelihood activity, mga estratehiya kung paano lalabanan ang mga threats na ito; at basic business and micro enterprise management development plan na naglalayong mas palawigin pa ang kaalaman ng mga benepisyaryo hinggil sa pagpapalago at pagpapalakas ng kanilang mga napiling kabuhayan o negosyo.
Pinangunahan ang pagsasanay ni Project Development Officer II Kristian Rey ng Sta. Cruz, kasama sina PDO II Fedjay Alcaraz ng Gasa, at CapBuild Focal Angelica Rose Malitao. (JJGS/PIA MIMAROPA)
*Larawan sa itaas mula sa DSWD MIMAROPA