MASAYANG iniulat ni Bise Presidente Sara Duterte sa kanyang Facebook page na Inday Sara Duterte na dumalo siya sa ikalawang anibersaryo ng Makabagong Ina at Kababaihan Tungo Sa Asenso (MIKA) sa San Pedro City, Laguna.
Post niya, “Lubos po ang aking kasiyahan nang nakasama nating muli ang mga miyembro ng Makabagong Ina at Kababaihan Tungo Sa Asenso (MIKA) sa San Pedro City, Laguna sa pagdiriwang ng kanilang Ikalawang Anibersaryo noong Martes, Enero 16, 2024.”
Dagdag pa ni Bise Presidente, “Nakamamangha na sa loob ng dalawang taon umabot na sa 20,000 ang mga miyembro at aktibo sa mga gawain ng kanilang lungsod at komunidad.
Labis ang aking tuwa dahil naging matagumpay ang organisasyong ito at malaki ang naitulong sa mga ina at kababaihan sa kanilang lungsod.”
Paliwanag pa niya, “Produkto ng MIKA ang paggawa ng papel na nagmula sa water lily na sagana sa kanilang lugar.
“Masasabi nating ang MIKA ay isa sa nagsusulong ng women empowerment dahil ito ay nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng mga ina at kababaihan sa buong bansa na nakatulong upang mabago ang kanilang buhay lalong-lalo na sa kanilang pamilya.”
Saludo si Inday Sara sa MIKA, “Naniniwala po ako na napakalaki ng ambag ng mga ina at kababaihan sa pagtaguyod ng isang matatag na bansa. Sa pamamagitan ng kanilang samahan, mas matatag silang haharap sa hamon ng buhay.
“At dahil ako ay isang ina, aking hiniling na maging miyembro rin ng kanilang organisayon kung saan ako ay kanilang mainit na sinalubong. Maraming salamat po sa inyong pagtanggap sa akin. Mabuhay po kayo mga Ka-Mika.
“Nagpapasalamat po ako kay Ginang Mikhaelle Mercado bilang founder ng MIKA at kay Mayor Art Mercado na kasama po natin sa ating selebrasyon.
“Ang MIKA po ang unang benepisyaryo ng ating programa sa Office of the Vice President na MagNegosyo Ta ‘Day kung saan ito ay inilunsad noong nakaraang taon.”