26.4 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Sen. Bong Go nagpasalamat sa pamahalaan dahil sa pagsasakatuparan ng specialized healthcare services

- Advertisement -
- Advertisement -

KAMAKAILAN ay inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umabot na sa 131 na bagong specialty centers ang naipatayo sa buong bansa.

Bilang principal sponsor at isa sa may akda ng Republic Act No. 11959 o Regional Specialty Centers Act, ikinatuwa ni Senator Lawrence “Bong” Go, chairman ng Senate Committee on Health, ang patuloy na pakikipagtulungan ng ating pamahalaan na maisakatuparan ang pagiging abot-kamay ng specialized healthcare services para sa lahat.

Bilang vice chairman ng Committee on Finance, sinuportahan ni Senator Bong Go kasama ng kanyang mga kasamahan sa Senado ang paglalaan ng P11.12 bilyon na budget ngayong 2024 para sa pagpapatayo ng specialty centers na layuning tugunan ang mga kritikal na sakit, tulad ng cancer, cardiovascular, lung, renal, brain at spine care, trauma at burn care. Magkakaroon din ito ng orthopedics, infectious diseases, mental health, at geriatrics, at iba pa na kakailanganin ng mga Pilipino.

“Ang batas na ito ay simbolo ng ating pagkakaisa at determinasyon na gawing abot-kamay ang specialized healthcare services para sa lahat,” mensahe ni Senator Bong Go. Teksto at larawan mula sa Facebook page ni Sen. Bong Go

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -