26.6 C
Manila
Biyernes, Enero 3, 2025

Pahayag ni Senador Risa Hontiveros tungkol sa pagbabala ng China sa Pilipinas matapos batiin ni PBBM ang bagong lider ng Taiwan

- Advertisement -
- Advertisement -

AYON kay Senador Risa Hontiveros dapat may gawin ang administrasyon tungkol sa pagbabala ng China sa Pilipinas matapos batiin ni PBBM ang bagong lider ng Taiwan.

Graphic mula sa Facebook page ni Senator Risa Hontiveros

Post ni Senador Hontiveros sa kanyang Facebook page na Senator Risa Hontiveros, “The administration should get its act together. We cannot have the President, the chief architect of foreign policy, say one thing, while the Department of Foreign Affairs says another.” (“Dapat magkaisa ang administrasyon. Hindi maaaring iba ang sabihin ng Pangulo, ang punong arkitekto ng patakarang panlabas, habang ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ay nagsasabi ng iba  pa.”

Dagdag pa niya, “In any case, China has no business telling Filipinos what to say or not. Wala silang karapatan pagmanduhan tayo gaya nang wala silang karapatan maglayag diyan sa West Philippine Sea.”

Himok pa niya, “As I’ve called for before, we must review this so-called One China policy. China has done far worse things in our territories compared to a congratulatory message to Taiwan.” (Gaya ng nanawagan ako noon, dapat nating suriin itong tinatawag na patakarang One China. Ang China ay gumawa ng mas masahol pa sa ating mga teritoryo kumpara sa isang mensahe ng pagbati sa Taiwan.’)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -