25.4 C
Manila
Martes, Disyembre 31, 2024

Administrasyong Marcos nakapagpatayo ng 131 specialty centers sa buong Pilipinas

- Advertisement -
- Advertisement -

IDINETALYE ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang mga tagumpay ng pamahalaan sa kalusugan nitong 2023, partikular na sa paglagda ng Republic Act No. 11959 o Regional Specialty Centers Act.

“Noong August 24, 2023 pinirmahan ko ang Republic Act No. 11959 known as the Regional Specialty Centers Act. Ito’y mga ating specialty centers, specialty hospitals sa iba’t ibang lugar,” post ni Pangulong Marcos sa kanyang Facebook page.

Ngayong taon, naglaan ang administrasyon ng P11.12 bilyon para sa mas maraming specialty center sa iba’t ibang panig ng bansa.

Iniulat din ng Pangulo ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa pamamagitan ng programang Doctors to the Barangays. Ayon sa Pangulo, 91 porsiyento ng mga munisipalidad ay may naka-assign na doctor para gumamot sa mga mamamayan.

“Ang programang ito ay in-expand to 204 out of 218 municipalities naman. Ang katumbas niyan ay 91 percent na ng municipalities ay masasabi nating may nag-aalaga na doctor,” sabi ni Marcos.

“Kaya’t napaka importante nito, patuloy pa itong programang ito para naman masabi natin na talaga nating binabantayan ang kalusugan ng ating mga mamamayan,” dagdag pa niya.

Halaw mula sa Presidential Communications Office website

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -