MAGANDANG balita mga Ka-PESO. Humigit Kumulang 2,500 Job Vacancies ang naghihintay para sa high school graduates, college level, college at tech/voc graduates.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Mayor Dr. Honey Lacuna sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) – City of Manila katuwang ang Department of Labor and Employment – National Capital Region at DoLE NCR Manila Field Office ay malugod kayong iniimbitahan na dumalo sa “Kalinga sa Maynila PESO Job Fair” ngayong Biyernes, Enero 12, 2023, ganap na 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa A. Vasquez St. cor Gen. Malvar St., Malate, Manila, District V Brgy. 696, 697, 698, 699 at 703
Mga tagubilin:
- Magsuot ng casual attire;
- Magdala ng sampung (10) kopya ng resume;
- Magdala ng sariling ballpen; at
- Sumunod sa mga pinaiiral na public health protocols.
Teksto at larawan mula sa Facebook page ng Maanila Public Information Office