29.1 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 18, 2024

Sen. Hontiveros humiling ng ‘extensive probe’ sa Panay blackout

- Advertisement -
- Advertisement -

NAG-FILE ng resolusyon si Senator Ana Theresia “Risa” Hontiveros sa naganap na power outage sa Panay Guimaras mula Enero 2 hangang 6 ng taong kasalukuyan.

Post ni Hontiveros sa kanyang Facebook page, “Wala pang isang taon yung nakaraang imbestigasyon ng Senado sa isyu ng power outage sa bansa. Hindi na tayo natuto. Hindi na tayo nadala.”

Kuwento niya, “Noong Enero 2, 2024, malawakang power outage ang sumalubong sa milyon-milyon sa aking mga kasimanwa sa Panay at Guimaras. Nagtiis sa kadiliman ang napakaraming kababayan sa kanilang kabahayan, habang napilay ang operasyon ng mga opisina ng gobyerno, ospital at eskwela.”

Dagdag pa ng senador, “Malaking dagok ang dulot ng blackout sa mga negosyo – gaya din ng sinabi ng chair, sa Iloilo City pa lang, tinatayang P1.5 billion ang nawala sa economic output ng siyudad dahil sa ilang araw na walang kuryente.

“Sana ay masagot sa ating imbestigasyon ang pangunahing tanong ng ating mga kababayan:

Ano ba ang nangyari at sino ba ang dapat managot sa malawakang blackout sa Panay at Guimaras?”

Diin pa niya, “At mas mahalaga, paano ba natin masisiguro na hindi na mauulit muli ang blackout sa mga darating na linggo at buwan, lalo na’t palapit na ang summer season?

“At the center of this fiasco is the National Grid Corporation of the Philippines. Mismong si Presidente at ang Department of Energy, itinuturo ang pagkukulang ng NGCP sa tungkulin nito bilang system operator. “

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -