30.3 C
Manila
Lunes, Marso 10, 2025

H.E.L.P. Priority Agenda ipinaalala ni Pasay Mayor Emi

- Advertisement -
- Advertisement -

GINANAP ang kauna-unahang pagpupugay sa watwat para sa taong 2024 nitong Lunes, Enero 8, 2024 sa pangunguna ng Ina ng Lungsod ng Pasay, Mayor Emi Calixto-Rubiano katuwang ang Pasay City Environment and Natural Resources Office.

Kinamusta ni Mayor Emi ang mga kawani sa naging pagdiriwang kasama ang kani-kanilang pamilya ng Pasko at naging pagsalubong sa Bagong Taon na siyang magiging lakas ng bawat isa sa isa na namang taon ng Tapat na Paglilingkod.

Binigyang-diin ng Punong Lungsod ang H.E.L.P. Priority Agenda na siyang gabay ng administrasyon sa paghahatid ng serbisyo sa bawat pamilyang Pasayeño. Ang naturang priority agenda umano ang naging dahilan ng mga pagkilalang natamo ng lungsod sa nagdaang taon sa larangan ng pamamahala at serbisyo-publiko. Ilan aniya sa mga ito ay ang Seal of Good Local Governance mula sa Department of Interior and Local Government.

Inanyayahan niya ang lahat na tumahak sa iisang direksyon at gawin ang mandato na bawat isa upang maabot ang ninanais para sa bawat isang taga-Pasay na paunlarin ang buhay ng bawat isa.

Pinasalamatan din ni Mayor Emi ang PCENRO sa nagiging ambag ng naturang tanggapan upang unti-unti ay maabot ang pinapangarap na EcoCity. Katangi-tangi ani Mayor Emi ang mga street swippers na umulan man o umaraw ay laging naririyan upang siguraduhin ang kalinisan ng kapaligiran.

Sa pagtatapos ay binilinan ng Punong Lungsod ang lahat na hindi lamang magsumikap bagkus ay lakipan ito ng panalangin. Ipagdasal ang lungsod at ang bawat isa upang maging instrumento sa paghahatid ng pagmamahal at higit pa sa sapat at tapat na paglilingkod. Teksto at mga larawan mula sa Facebook page ng Pasay City Public Information Office

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -