BINIGYANG pagkilala ni Mayor Eric Olivarez nitong Lunes, Enero 8, 2023 ang mga batang atleta ng Lungsod ng Parañaque na lumaban sa ginanap na 2023 Batang Pinoy at Philippine National Games noong Disyembre 2023.
Ayon kay Mayor Eric, ang mga batang atletang ito ay lumaban sa iba’t ibang larangan ng sports sa naturang patimpalak, gaya ng chess, cycling, gymnastic, judo, karatedo, lawn tennis, muay thai, taekwondo, swimming, wushu, archery, at dance sports.
Malugod ding ibinalita ng punong lungsod na ang Lungsod ng Parañaque ay nakapagkamit ng rank 12 sa overall medal tally kung saan ang mga batang atleta ng Lungsod ay nakakuha ng 18 gold medals, 14 silver medals, at 15 bronze medals.
Kasama ni Mayor Eric sa pagbibigay ng pagkilala sina Vice Mayor Joan Villafuerte, mga konsehal ng una at pangalawang distrito, ang mga Punong Barangay ng 16 barangay ng lungsod, SK Federation President Denize Park, City Administrator Atty. Voltaire Dela Cruz, at City Youth and Sports Development Office OIC Alexander Dandan. Teksto at mga larawan mula sa City Information Office – Parañaque