25.7 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

PBBM: 67,000 kms na farm-to-market roads nakumpleto na

- Advertisement -
- Advertisement -

INIULAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang Facebook page na Bongbong Marcos ang nakumpletong 67,000 kms na farm-to-market roads sa buong bansa.

Ulat ng Pangulo, “Nakumpleto na natin ang higit 67,000 kms na farm-to-market roads sa bansa. Maihahatid nito ang pagkain at iba pang produktong agrikultural sa iba’t ibang lalawigan nang mas mabilis at mas mura.”

Ang National Farm-to-Market Roads Network Plan (2023-2028) ay nagsisilbing guidepost ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga pangunahing estratehiya na magbibigay-daan sa walang sagabal na paggalaw ng mga ani ng sakahan at pangisdaan mula sa sakahan patungo sa pamilihan at, higit na mahalaga sa mga talahanayan ng mga Pilipino.

Dagdag pa ng Pangulo, “Ngayong 2024, tuloy lang ang ating sama-samang pagtahak sa isang masaganang Bagong Pilipinas!”

Teksto at graphics, halaw sa Facebook page ni Pangulong Bongbong Marcos.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -