TIRIK man ang araw, patuloy na dumarami ang bilang ng mga deboto sa Quirino Grandstand para sa “Pahalik” sa Itim na Nazareno.
Naka-standby ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development A mula sa Metro Parkways Clearing Group para siguraduhun ang kaayusan at kalinisan sa mga lugar sa Maynila kung saan dumarayo ang mga deboto.
Handa rin ang mga traffic mobile cars at ambulansiya para sa emergency response.
Nakaalalay din ang mga tauhan ng Sidewalk Clearing Operations Group para tiyakin na maayos ang pila. Teksto at larawan mula sa Facebook page ng MMDA