27.4 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Ease of paying taxes, batas na

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYANG ibinalita ni Senate President Miguel Zubiri sa kanyang Facebook page na Senator Migz Zubiri ang pagsasabatas ng Republic Act 11976.

Ang Ease of Paying Taxes Act ay isinulong ni Senador Sherwin Gatchalian.

Post ni Senador Zubiri, “Good news po sa lahat ng taxpayers lalo na ang ating mga maliliit na negosyante — pasado  na po ang Ease of Paying Taxes Act.”

Paliwanag ni Zubiri, “Napakahalaga po ng buwis sa pagpapatakbo ng ating bansa. Pero napaka-komplikado at matrabaho rin ang proseso ng pagbabayad nito.

“Kaya naman isa po sa mga naging priority measures ng administrasyon ang Ease of Paying Taxes Act. Sa batas na ito, mapapadali ang tax payments dahil babawasan na ang mga documentary requirements at papalakasin na ang digitalization ng buong proseso.”

Dagdag pa niya, “Pabibilisin din po nito ang pagbibigay ng tax refunds na ipinangako ng mga naunang batas sa lahat ng qualified taxpayers lalo na mga wage income earners, exporters at mga negosyante.

“Malaking tulong ito sa ating lahat, lalo na sa ating mga micro, small, and medium enterprises na wala namang sariling tax accountants.”

Binigyang pagkilala din ni Senador Zubiri si Senador Sherwin, “Congratulations kay Sen. Sherwin na nagsulong ng batas na ito.”

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -