28.7 C
Manila
Linggo, Enero 19, 2025

2023: Sumilip ang modernisasyon ng agrikultura sa Pilipinas

- Advertisement -
- Advertisement -

Huling bahagi

SA unang bahagi ng artikulong ito, tinalakay ang planong modernisasyon ng agrikultura ng Pilipinas ng bagong kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura na si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. bilang tugon sa mithiin ni Pangulong Ferdinand Marcos,Jr. na magkaroon ng modernong sektor ng pagsasaka at mas maalwang buhay para sa mga magbubukid at mangingisda sa bansa.

Tininingnan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang drone na ginamit sa pagsasaka na bahagi ng mga agricultural equipment na ipinakita noong kanyang binisita ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization headquarters sa Muñoz, Nueva Ecija. Larawan mula sa PNA

Tinalakay  din ang hamon ng panahon na matinding tagtuyot at ang refleeting program ng NIA. Ngayon tunghayan natin ang huling bahagi nito.

Partisipasyon ng pribadong sektor


Kabilang sa mga pinaplano ni Laurel bilang kalihim ay ang magkaroon ng kooperasyon sa pribadong sektor upang makabuo ng mga polisiya at programa na magpapabilis sa pagpapatupad ng modernisasyon ng agrikultura ng bansa nang sa gayon ay tumaas ang produksyon  at matiyak ang seguridad sa pagkain.

“The collaboration of government and the private sector is crucial. We highlight the efforts and dedication of our partners in building sustainable set of option for the future of agriculture and fisheries,” ani Tiu Laurel sa ikasiyam na selebrasyon ng National Agriculture and Fisheries Volunteers’ Day at programa ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF).

“Prompting people participation and ensuring sustainable development through sound policy recommendations are key factors that we can embrace to maintain a functional and holistic approach in dealing with the sector’s challenges,” saad ni Laurel.

“We’ve been stressing from day one — since I was appointed as the new Agriculture Secretary — the need to modernize the agriculture sector, not only to feed 118 million Filipinos but ensure food security by practicing a whole-of-nation approach,” dagdag pa niya.

- Advertisement -

Kauna-unahang Agricultural Machinery Design and Prototyping Center

Inilunsad kamakailan ng Kagawaran, sa pamamagitan ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (DA-PhilMech) at ng Korea International Cooperation Agency (KOICA) ang kauna-unahang Agricultural Machinery Design and Prototyping Center (AMDPC) sa bansa.

Pinangunahan ni Laurel ang inagurasyon ng 2,000-square meter na pasilidad na matatagpuan sa sa PhilMech sa Science City of Munoz, Nueva Ecija.

“This multi-million US-dollar state-of-the-art facility can revolutionize the way we see agricultural machinery production today. With modern fabrication equipment and top engineering design and simulation software, what more can we not do, what more efficient machines can we not produce?” ani Laurel.

Nagkakahalaga ang naturang pasilidad ng P370.545 milyon kung saan $5.78 milyon o katumbas na P289 milyon ay pinondohan ng KOICA. Ang pamahalaan naman ng Pilipinas ang sumagot sa P81.545 milyon.

Suportado ang naturang proyekto Korea Institute for Development Strategy (KDS) at ng Korea Agricultural Machinery Industry Cooperative (Kamico).

- Advertisement -

Inaasahan na ang naturang pasilidad ay magpapabilis sa mekanisasyon ng bansa at magpapalakas sa kakayahan ng PhilMech na magdisenyo, magdevelop at gumawa ng mga agricultural machinery at prototypes.

Layunin din nito na makapagbigay sa mga magsasaka ng abot-kaya at gawa sa bansa na mga  makinarya kung saan gamit ang makabagong teknolohiya ay mapadami ang ani at kita ng mga magsasaka.

“I can imagine this center as the realization of ideas and a birthing place of solutions to improve the way we farm or fish today through the machines that can be improved and produced in this facility,” ayon sa kalihim.

Nagpasalamat si Laurel sa Republic of Korea, sa pamamagitan ng KOICA, dahil sa paglalaan nito ng kaalaman, kakayahan at pondo para sa Pilipinas.

“Thank you for building with us a bridge that will help our country move towards the modernization and mechanization of the agriculture sector. We will always value our partnership,” ani Laurel.

Updated National Color-Coded Agricultural Guide (NCCAG)  Map

Bilang bahagi ng programa upang makatulong palakasin ang ani at kita ng mga magsasaka, inilunsad ng kagawaran sa pamamagitan ng Climate Resilient Agriculture Office (CRAO), ang updated version ng National Color-Coded Agricultural Guide (NCCAG) Map.

Pinangunahan ang paglulunsad na ito ng kalihim at ni CRAO Director Alicia Ilaga sa pagdiriwang 16th Annual Global Warming and Climate Change Consciousness Week nitong Nobyembre 20, 2023 sa DA Central Office.

Ang NCCAG map ay naglalaman ng mga mapa na nagpapakita ng natural na kaangkupan ng mga mahahalagang pananim at walong pangunahing panganib base sa inaasahang iba’t ibang klima sa 2050.

Kabilang sa mga datos na nakapaloob dito ay  klase ng lupa, taas, dalisdis, kailan umuulan, temperatura, at iba’t ibang panganib dala ng pagbabago ng klima. Ang mga mapa dito ay may kinalaman sa pagpapalago at pagpapanatiling buhay ng mga halaman gaya ng pagkakaroon ng tubig at datos ukol sa klima gayundin ang mga impormasyon kaugnay ng lokasyon at ekonomiya ng lugar.

Napatunayan na ang NCCAG ay kapakipakinabang upang maipagbigay-alam sa mga magsasaka ang nararapat na pananim para sa mas masaganang ani at ano ang mga panganib dala ng klima sa mga lugar ng sakahan. Nagsisilbi rin itong gabay  ng mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan para sa mga lugar na nararapat mabigyan ng ayudang teknolohikal at pagseserbisyo base sa panganib kaugnay ng klima.

Sa NCCAG Map Version 2.0 nakapaloob  na ang mga bagong mapa mula sa ibat ibang ahensya ng pagmamapa na may interactive features at istadistika.

Magandang ani

Suma-total, masasabi ng kagawaran na maganda ang naging kabuuang ani ng palay sa bansa para sa taong 2023.

“Based on data and information from the Philippine Rice Information System, it is generally a good harvest year for the Filipino rice farmers,” ayon kay Assistant Secretary at tagapagsalita ng kagawaran Arnel de Mesa.

Ang pahayag ay ginawa matapos ang pagtataya sa ani para sa buwan ng Nobyembre at Disyembre.

Aniya, ang kabuuang ani ay 3.063 million metric tons (MMT) para sa huling dalawang buwan ng taong 2023.

Dagdag pa niya, ang national rice outlook para sa taong 2023 ay tinatayang nasa 20 MMT.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -