MASAYANG ibinalita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbaba ng inflation rate noong Disyembre 2023 sa 3.9 porsiyento.
Sabi ng Pangulo, “Natutuwa akong ibalita na bumaba pa ang inflation rate sa bansa noong Disyembre 2023 sa 3.9 porsiyento —ang pinakamababa noong nakaraang taon, mula sa 4.1 porsiyento para sa Nobyembre 2023.
Patuloy ang pagsusumikap ng pamahalaan para pagandahin ang kalagayan ng ating ekonomiya.
Para sa bagong taon, lalo nating palalakasin ang mga programa para sa agrikultura, at tututukan ang mga hakbang upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin. Teksto at graphics mula sa Facebook page ni Bongbong Marcos