BILANG paghahanda sa nalalapit na pista ng Poong Nazareno sa Enero 9, nagpulong-pulong ang mga kinatawan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila at Simbahan ng Quiapo upang mas mapabuti ang seguridad at kaligtasan ng mga deboto na dadalo rito.
Kasama sa pagtitipon na pinangunahan ng Punong Lungsod Honey Lacuna-Pangan sina Fr. Jun Sescon, Fr. Jonathan Mojica, at iba pang mga kumakatawan sa Simbahan ng Quiapo, at ilan sa mga Hijos del Nazareno na siyang katuwang ng simbahan sa taunang selebrasyon na ito.
Ilan mga departamento tulad ng Manila Traffic and Parking Bureau, Department of Public Services, Department of Engineering and Public Works, Manila Police District, Manila Fire District, Department of Tourism, Culture and Arts of Manila, Manila Barangay Bureau, Department of Interior and Local Government – Manila, at Manila Disaster Risk Reduction Management Office ay dumalo rin sa miting upang mapag-isa ang mga plano at layunin ng selebrasyon.
Samantala, bilang kasiguraduhan ng seguridad at kaligtasan ng bawat tao sa Pista ng Poong Jesus Nazareno, narito ang ilang mga paalala mula sa Simbahan ng Quiapo at Manila Police District ukol sa mga dapat at hindi dapat gawin at dalhin sa nalalapit na Nazareno 2024. (Teksto at graphics mula sa Facebook page ng Manila Public Information Office)