27.3 C
Manila
Lunes, Disyembre 2, 2024

Legarda hinihikayat ang pag-iwas sa paggamit ng single-use plastics

- Advertisement -
- Advertisement -

SA observance ng Zero Waste Month, hinikayat ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang publiko na iwasan ang patuloy na paggamit ng single-use plastics at mas maging maingat sa pagtatapon ng basura.

Larawan mula sa Facebook page na Loren Legarda

Sinabi ni Legarda, isa sa mga pangunahing mambabatas pagdating sa usapin ng climate justice, na kailangang muling suriin ng bansa ang kalagayan nito kasunod ng 28th UN Climate Change Conference (COP28) sa Dubai.

“Kailangan nating itulak ang ating mga sarili na mamuhay nang mas sustenable dahil ang mga plastic ay gumagamit ng fossil fuels, na siyang nakaaambag sa mas maraming greenhouse gas emissions sa mundo,” giit ni Legarda.

“Sa kabila ng pamumuhay nang simple, maaari tayong gumamit ng mga materyal na sustainable, reusable, at hindi nakapipinsala sa kapaligiran para mabawasan ang ating dependency sa single-use plastics,” dagdag pa niya.

Alinsunod sa Proclamation No. 760, s. 2014, ino-observe ng Pilipinas ang Zero Waste Month tuwing buwan ng Enero.

Ayon sa proklamasyon, lahat ng local government units at mga sangay ng pamahalaan ay hinihikayat na sumuporta at makilahok sa mga gawaing kaugnay ng Zero Waste Month.

“Pabigat sa kapaligiran ang single-use plastics, lalo sa ating local setting, kung saan walang pag-iingat na itinatapon ang mga ito sa mga ilog at tributaries, nagdudulot ito ng pagbabara, na humahantong sa malawakang mga pagbaha — na naglalagay sa panganib sa libo-libong mga buhay,” ani Legarda.

“Hindi lahat ay nareresekulo. Napupunta ang mga ito sa landfills o sa karagatan, na naglalagay sa balanse ng ating ecosystem sa panganib, na maaaring magdulot ng suliranin sa seguridad sa pagkain,” pagpapatuloy niya.

Kabilang sa landmark legislation na naipasa ni Legarda ang Republic Act No. 9003, or Ecological Solid Waste Management Act.

Ang nasabing batas ay nagpapataw ng mga parusa sa pagkakalat sa mga pampublikong lugar, pag-aangkat ng consumer products na gumagamit ng non-environmentally friendly materials, at marami pang mga gawaing hindi nakabubuti sa kalikasan.

Kabilang sa mga probisyon nito ang ecological solid waste management, na nagbibigay ng insentibo para sa mga sektor na sumusunod sa batas.

Isinulong din ni Legarda ang Expanded National Integrated Protected Areas System (E-NIPAS), na nagbibigay ng mandato na protektahan ang mga lugar na tahanan ng mga kakaibang flora at fauna.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -