26.1 C
Manila
Martes, Pebrero 11, 2025

Public Employment Service Office, namahagi ng ‘Bigasan Package’ para sa mga Muntinlupeno

- Advertisement -
- Advertisement -

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pamamagitan ng Public Employment and Service Office (PESO) katuwang ang Department of Labor and Employment (DoLE) ng Livelihood Project o “Bigasan Package” na may kabuuang 342 sako ng bigas na nagkakahalaga ng P513,000.00.

Layunin ng proyektong ito na pagaanin ang pamumuhay ng mga DoLE Integrated Livelihood Program (DILP) beneficiaries — sila ay mga low-income parents ng mga undernourished children na kinilala ng City Nutrition Committee.

Dumalo sa programa si PESO Manager Glenda Zamora-Aniñon, Dir. Leonides Castillon at Eritza Molea ng DoLE MTPLFO (DOLE MUNTAPARLAS Field Office), at mga Barangay Nutrition Scholars (BNS). (Mula sa Facebook page ng City Government of Muntinlupa)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -