25.8 C
Manila
Biyernes, Enero 31, 2025

Metro Manila Subway, inaasahang matatapos sa 2025

- Advertisement -
- Advertisement -

SA oras na matapos ang Metro Manila Subway (MMS) project, na may bilis na 80kph, asahan ang mas maikli, kumbinyente, at kumportableng biyahe mula at patungong Valenzuela City hanggang NAIA Terminal 3 — dahil magiging 41 minuto na lamang ito, kumpara sa kasalukuyang biyahe na isang oras at 30 minuto.

Ang pinakaunang underground railway sa Pilipinas  ay magkatuwang na ginagawa ng Pilipinas at Japan at nagsimula noong February 2019.  Inaasahan itong  matatapos sa 2025. Ito ang tinitingnan na pinakamalaking railway system sa Pilipinas, na may lawak na 36 kilometro na may 15 istasyon mula sa Quirino Highway hanggang NAIA Terminal 3 sa Pasay at FTI sa Taguig, ayon sa Department of Transportation. Magkakaroon din ng mga istasyon sa Makati, Ortigas at Bonifacio Global City.

Inaasahang mahigit 519,000 pasahero kada araw ang gagamit ng subway sa unang taon ng serbisyo at tinatayang may kapasidad na 1.5 milyong pasahero kada araw kapag full operation na.

Bukod sa bilis, comfort, accessibility, at advanced features nito, alam n’yo ba na mayroon ding disaster-resilient features at cutting-edge facilities ang ating subway?

Ayon sa Department of Transportation, hindi  ito basta-basta lang, dahil advanced technology mula pa sa Japan ang ginamit sa pagtatayo nito.

Dagdag pa rito, seamless connectivity din ang hatid nito para sa ating mga mananakay, dahil konektado rin ang subway sa mga istasyon ng LRT-1, LRT-2, MRT-3, MRT-7, at PNR.

At soon, sa future MRT-4 at North-South Commuter Railway (NSCR) Project na rin. Konektado na sa Metro Manila, konektado pa sa Central Luzon at Southern Tagalog!

Maliban d’yan, accessible rin mula sa mga istasyon ng subway ang mga land-based transport modes, tulad ng bus, taxi at PUVs.

Tingnan ang latest progress photos ng kauna-unahang subway ng bansa.

Teksto halaw sa ulat ng Philippine Information Agency;mga larawan mula sa Department of Transportation

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -