28.3 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 18, 2024

MoA nilagdaan para sa KaSSSangga Collect Program

- Advertisement -
- Advertisement -

ISANG Memorandum of Agreement (MoA) ang nilagdaan ng Pamahalaang Lalawigan ng Rizal at ng Social Security System para sa pagpapatupad ng KaSSSangga Collect Program para sa mga manggagawang sakop ng mga job order.

Kasama si SSS President at Chief Executive Officer (CEO) Rolando Macasaet, pormal na pinirmahan ang kasunduan sa pagitan ng nasabing ahensya at pamahalaang panlalawigan noong unang lingo ng buwang kasalukuyan.

Layunin ng MoA na mapadali para sa mga empleyado ng J.O. ang access sa kanilang mga boluntaryong kontribusyon, detalye ng pagiging aktibong miyembro ng SSS at mabatid ang iba’t ibang benepisyong ipinagkakaloob ng ahensya tulad ng sickness, maternity, disability, retirement, death, at funeral benefits. Magkakaroon din sila ng loan privileges tulad ng salary at calamity loans.

Ayon sa pahayag ng pamahalaang panlalawigan, napaka-importante ang pagkakaroon ng social security benefits. Sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari, may matatakbuhan at maaaring makuhang tulong.

Hinihikayat din ang lahat na sumali sa programang ito para rin na rin sa kani-kanilang kinabukasan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -