29.4 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 18, 2024

Fernando, pinamunuan ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng barangay

- Advertisement -
- Advertisement -

IPINANGAKO ng mga bagong halal na opisyal ng barangay sa lalawigan ng Bulacan ang kanilang paninindigan bilang mga opisyal ng barangay sa harap ni Gob. Daniel Fernando sa isinagawang Panunumpa sa Tungkulin ng mga Opisyal sa Barangay sa Lalawigan ng Bulacan sa Bulacan Capitol Gymnasium noong ika-21 ng Disyembre.

Ang oath taking ceremony ay ginanap sa loob ng dalawang araw kung saan may kabuuang 4,480 barangay officials ang nagsama-sama mula sa Lungsod ng Malolos at mga munisipalidad ng Bulakan, Calumpit, Hagonoy, Paombong, Pulilan, Doña Remedios Trinidad, San Ildefonso, San Miguel, at San Rafael.

Samantala, noong Disyembre 23, 2023, 6,624 na opisyal ng barangay mula sa Lungsod ng Baliwag, Meycauayan, at San Jose Del Monte kasama ang mga munisipalidad ng Bustos, Plaridel, Guiguinto, Balagtas, Bocaue, Pandi, Marilao, Obando, Angat, Norzagaray, at Santa Maria ang manunumpa din.

Binati ni Fernando ang mga bagong halal na opisyal at hinamon sila na magbigay ng ibang tatak ng pamumuno na gagawin silang mahusay na mga lingkod-bayan na inuuna ang mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan at kani-kanilang lokalidad.

“Manindigan po tayo para sa isang makabagong uri ng pamumuno. Tandaan po natin—ang kinabukasan ng ating pamilya, mga anak, at ng susunod na henerasyon ay magmumula sa barangay kaya’t napakahalaga na tayo mismo ay maging ehemplo ng mga lider na tunay na magsisilbi sa interes ng nakararami, at hindi para sa pansariling kapakanan,” pahayag ni Fernando.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -