28.9 C
Manila
Linggo, Enero 19, 2025

Marcos: 2023, taon ng structural changes

- Advertisement -
- Advertisement -
iPINAGMAMALAKI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na taon ng “structural changes” ang taong 2023 na mahalaga para sa pagbangon mula sa masamang idinulot sa ekonomiya ng pandemya.
Ibinalita ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na P14.5 bilyong ang kabuuan ng halaga ng pamumuhunan sa Pilipinas kasunod ng business event ng Department of Trade and Industry-led (DTI) sa ginanap na Asean-Japan Commemorative Summit sa Tokyo, Japan. Larawan mula sa PND
Sa panayam ng media, labas sa 50th Commemorative Asean-Japan Friendship and Cooperation Summit sa Tokyo na nalahathala sa isang press release ng Tanggapang Pampanguluhan sa Komunikasyon, sinabi niyang ang mga pagbabagong istraktural na ito ay pawang mga solusyon sa mga suliraning iniwan ng pandemya.
“This 2023 was really the year of structural changes,” sagot ni Pangulong Marcos sa Kapihan with The Media sa Tokyo, Japan nang siya ay pinagtaya  ng kanyang mga nagawa para sa taong 2023 at kung ano ang kanyang mithiin para sa susunod na taon.
“So, those structural changes were necessary because we have to remodel, or re-adjust rather, our – for example our fiscal policy, even our monetary policy, our spending policy, so that we are slowly moving – or not so slowly, so, we’re moving away from the Covid economy,” dagdag pa niya.
Mas mararamdaman, aniya, ang epekto ng mga pagbabagong ito sa 2024.
Paghahanap sa pinakamagagaling
Binigyang-diin ng Pangulo na binago ng kasalukuyang administrasyon ang mga istraktura ng ibat-ibang ahensya sa pamamagitan ng paghahanap ng pinakamagagaling para sa bawat posisyon.
Kamakailan nga lamang ay nanumpa na ang mga bagong direktor ng Maharlika Investment Corp. (MIC).
Kabilang sa mga ito ay sina Asian Development Bank (ADB) officer Vicky Castillo Tan, Andrew Jerome Gan, German Lichauco, at Roman Felipe Reyes.
Naganap ang panunumpa ilang linggo matapos pangalanan si Rafael Consing Jr. bilang president at chief executive officer ng MIC.
Ang MIC ay binuo sa pamamagitan ng Republic Act 11954, na layuning maging pangunahing magpapatakbo at gagamit sa Maharlika Investment Fund para sa mga transaksyong magpapalago sa kita nito.
Layunin naman ng MIF na palakasin ang ekonomiya ng bansa, palaguin ang kaban ng bayan at pagaanin ang pagbabayad sa mga pampublikong infrastructure projects.
Kabilang din sa layunin ng MIF ang humikayat ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa na isa sa mga tinitingnang paraan ay ang luwagan ang mga dayuhan para makapagmay-ari ng negosyo sa bansa.
Sinundan ng pagtatalagang ito ay ang paglagda ni Pangulong Marcos nitong Disyembre 15 ng Executive Order (EO) No. 49 na lumilikha sa Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (OSAPIEA) sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo na layuning tiyakin ang epektibong integrasyon, koordinasyon at implementasyon ng sari-saring polisiya at programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa pamumuhunan at ekonomiya.
“There is a need to further strengthen the existing mechanisms for formulation, coordination and implementation of the government’s economic initiatives, plans, policies and programs, as well as to establish a robust monitoring system to ensure a holistic and cohesive approach to addressing the diverse economic challenges currently confronting the nation,” ayon sa Pangulo.
Sa bisa ng EO No. 49, ang OSAPIEA ay pamumunuan ng isang Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (SAPIEA) na may posisyong Kalihim.
Pamumunuan ang OSAPIEA ni Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick  Go.
Kabilang sa mga tungkulin ng pinuno ng OSAPIEA ay ang tulungan ang Pangulo sa pamamagitan ng pagbibigay ng napapanahon, mahalaga at madiskarteng payong pang ekonomiya kabilang na ang may kaugnayan sa inflation, seguridad sa pagkain, at sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan.
Gayundin, kabilang sa gagampanan ng tanggapang ito ay ang tiyakin na ang mga investment pledges ay matutuloy at magbubunga.

 

Pamumuhunan sa Pilipinas

Kabilang sa mga binigyang-halaga ni Pangulong Marcos sa taong ito ay ang paghihikayat sa  mga mamumuhunan na magnegosyo sa Pilipinas na nagresulta ng P1.16 trilyon na aprubadong pamumuhunan para sa taong 2023, ang pinakamataas sa loob ng limang dekada, ayon sa Board of Investments (BOI).

Sa isang pahayag, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary and BOI Chairman Alfredo Pascual na lilikha ito ng mas maraming oportunidad para lumaga pa ang ekonomiya sa 2024.

“The BOI hitting Php1.16Tn for 2023 reaffirms strong investor confidence in the administration of President Ferdinand R. Marcos Jr. – their responsiveness to the policy initiatives of the President and the effectiveness of the aggressive investment promotion activities under the ‘Make It Happen in the Philippines campaign’,” ayon kay Pascual.


Ang Php1.16 trilyong aprubadong investment ay mula sa kabuuang 303 proyekto na inaasahang liliha ng mahigit 47,000 trabaho para sa sektor ng renewable energy, Information and Communication, real estate, manufacturing, at infrastraktura.

Iniulat din ng DTI kamakailan na umabot sa P4.019 trilyon o US$72.178 bilying halaga ng investment ang nalikom ng Pangulo mula sa kanyang mga byahe sa ibang bansa.

Kabilang na sa mga ito ang resulta ng pagbyahe ng Pangulo kamakailan sa Japan para sa ASEAN-Japan Commemorative Summit, na nasa halagang PhP14 bilyon o siyam na investment.

Gayundin, ang pagbisita ng Pangulo sa US para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa San Francisco ay nagdulot naman ng PhP37.2 bilyon na kinakapalooban ng anim na proyekto.

( Itutuloy)
- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -