27.8 C
Manila
Sabado, Disyembre 21, 2024

Pinggang Pinoy ngayong Pasko sa Pasig

- Advertisement -
- Advertisement -

KAUNTING kurot sa malutong na balat ng Lechon, isang platitong mainit na Pancit Malabon, inihaw na isda, ilang pirasong Lumpia, patikim-tikim sa Buko Salad at kutsaritang kuwit sa Leche Flan.

Maaari mong enjoyin ang Noche Buena, Christmas parties at reunion ngayong kapaskuhan ng walang tinatanggihan habang patuloy na iniingatan ang iyong kalusugan.

Possible nga ba ito? Paano? Sundin mo lang ang Pinggang Pinoy, sumali sa challenge ng Pasig at manalo.

Full at happy na ang tummy, healthy pa rin ang body plus instant 150! Ano na mga bHie? G!

Mechanics:
• Ang challenge na ito ay bukas sa lahat ng followers ng Pasig City Nutrition Committee Facebook Page.
• Ipakita ang laman ng iyong pinggan habang nasa handaan o salu-salo ngayong pasko at gamitin ang PINGGANG PINOY bilang gabay.
• Siguraduhin ang tamang distribusyon ng Go, Grow at Glow foods.
• Kuhanan ito ng malinaw na litrato gamit ang iyong mobile, digital or DSLR camera.
• I-submit ang iyong entry sa pamamagitan ng pagko-comment sa post na ito laman ang mga sumusunod:
– Buong pangalan (ex. Maria Dela Cruz)
– Mga laman ng Pinggan (ex. Spaghetti, Lumpiang Shanghai, Vietnamese Spring Roll and Fresh Fruit Salad ) at,
– Dahilan kung bakit mo pinipiling sundin ang Pinggang Pinoy ngayong Holiday Season (ex. Pinggang pinoy pa rin ang susundin kahit nasa handaan para ang aking Diabetes at Hypertension ay aking mabantayan.)
• Mag-mention ng 3 facebook friends.
• Ang isang isang tao ay maaaring magpadala ng higit sa isang entry at may pagkakataon ding manalo ng ilang beses.
• Ang mga mananalo ay makakatanggap ng private message upang makuha ang premyo. (Teksto at larawan mula sa Pasig City Public Information Office)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -