HINDI lang panahon ng Christmas parties, family gatherings at out-of-own travels ang holiday season. Minsan, panahon din ito ng maraming fire-related incidents dulot ng substandard electric decorations, kakulangan sa kaalaman kung papaano kukuha ng produktong ligtas at iba pa.
Alamin ang ilang fire safety tips o mga dapat tandaan at gawin para maiwasang maging biktima ng sunog lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan:
- Tiyaking may Philippine Standard (PS) mark or Import Commodity Clearance (ICC) sticker ang bawat Christmas lights.
- Iwasan ang octopus connection. Ugaliing i-unplug ang appliances pagkatapos gamitin.
- Huwag iwanang nakasalang ang niluluto.
- Suriin ang LPG tank at tiyaking walang tagas o singaw.
- Tiyaking alam ang fire safety practices ng bawat miyembro ng tahanan.
- Alamin ang numero ng pinakamalapit na fire station.
Panoorin ang buong video rito: https://www.facebook.com/watch/?v=1434146147313418.
Mula sa Facebook page ng DILG