31.5 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Manila Bay Day 2023 ipinagdiwang

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG Department of Environment and Natural Resources (DENR) National Capital Region ay nagsagawa ng isang aktibidad na mural painting kaugnay sa selebrasyon ng ika-15 na anibersaryo ng “Manila Bay Day” noong ika-18 ng Disyembre sa opisina ng Metropolitan Environmental Office (MEO) – North, Brgy. Bangkulasi, Navotas City.

Ang aktibidad, na pinangunahan ni DENR-NCR Regional Executive Director Jacqueline Caancan, ay may temang “Bringing Back Sunsets: The Future of Manila Bay and Active Roles in Movements Move People” ay sumisimbolo sa aktibong partisipasyon at pakikipag-ugnayan ng mga komunidad at mga ahensya’t organisasyon na nagtatrabaho para sa isang hangarin na maibalik ang linis at ganda ng Manila Bay.

Sa mensaheng ipinahayag ni Caancan, aniya na patuloy na kumikilos ang mga mandamus agency na kabahagi sa programang rehabilitasyon para sa Manila Bay. Bahagi rin dito ang patuloy na paghikayat sa publiko na magkaroon ng aktibong pakikilahok at pakikibahagi sa mga kilusan para sa mga daluyang tubig sa Metro Manila at sa Manila Bay, sa kabuuan.

Ito ay dinaluhan at nilahukan din nina DENR-NCR Assistant Regional Director for Technical Services Engr. Henry Pacis, MEO-North OIC Director Engr. Nolan Francisco, MEO-West OIC Director For. Rodelina De Villa, MEO-East OIC Director Engr. Virgilio Edralin Licuan, MEO-South OIC Director Bobby Tagapan, at Manila Bay Site Coordinating/Management Office (MBSCMO) Site Coordinating/Management Officer For. Haidee Pabalate. Kasama rin dito ang mga kinatawan mula sa City Environment and Natural Resources Offices ng Malabon at Navotas, Brgy. NBBS Dagat-Dagatan, Brgy. Bangkulasi, Brgy. NBBS Kaunlaran, Manila Bulletin, at Philippine National Police Sub Station 3 Bangkulasi.

Ang Manila Bay Day ay alinsunod sa inilabas na writ of continuing mandamus ng Korte Suprema para sa Manila Bay na nag-uutos sa 13 ahensya “to clean up and rehabilitate and restore the water quality of Manila Bay, which is fit for swimming, skin diving, and other forms of contract recreation.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -