26.4 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Tulong para sa ilang indigents sa Pangasinan ni Sen. Bong Go

- Advertisement -
- Advertisement -

BILANG adopted son ng Pangasinan, nagpaabot ng karagdagang tulong si Senator Bong Go sa ilang mahihirap na residente sa Dagupan City, sa mga bayan ng Binmaley, Bautista, Calasiao, Urbiztondo, at Mangatarem sa Pangasinan nitong Disyembre 13 hanggang 15.

Sa tulong ng mga tanggapan nina Binmaley Mayor Pedro Merrera 3rd, Dagupan City Mayor Belen Fernandez, Bautista Mayor Joseph Espino, Calasiao Mayor Kevin Macalalay, Urbiztondo Mayor Modesto Mejia Operaña, at Mangatarem Mayor Ramil Ventenilla, namahagi ang Malasakit Team ng masks, shirts, at bola. Tumanggap din ng sapatos ang ilang indibidwal mula sa senador.

Nagbigay naman ng livelihood kits ang Department of Trade and Industry para sa mga kwalipikadong benepisyaryo bilang tulong sa mga micro-entrepreneurs na makaahon mula sa krisis.

“Nais kong magpasalamat sa DTI sa inyong programa dahil hindi lamang ito nagbibigay ng tulong kundi pati na rin ng sapat na kaalaman at kakayahan sa pag-nenegosyo para sa mga pamilyang bumabangon mula sa iba’t ibang krisis,” mensahe ni Senador Bong Go. Teksto at larawan mula sa Facebook page ni Senador Bong Go.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -