30.5 C
Manila
Lunes, Nobyembre 18, 2024

PBBM, tinitiyak na may sapat na pagkain hanggang 1st Quarter ng 2024 sa kabila ng pagdating ng El Niño

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng katiyakan noong Biyernes (Disyembre 15, 2023) si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makakayanan itayo ng bansa ang mga Filipino sa naitabing buffer stock na pagkain hanggang sa simula ng susunod na taon.

Ito ay habang isinusulong nito ang suporta ng publiko para sa mas mabigat na paghahanda sa El Niño na inaasahang magtatagal hanggang sa unang bahagi ng 2024.

Ayon sa pangulo sa inagurasyon ng Maynilad’s Poblacion Water Treatment Plant (WTP) sa Muntinlupa City, kailangang maghanda at gamitin ang ilang aral na natutuhan ng mga Pilipino sa panahon ng pandemya pagdating sa suplay na pang-agrikultura, ng pagkain, ng kahusayan ng supply chain – lahat ng ito ay maapektuhan kung kulang ang mga water resources.

Kaugnay nito, sinimulan na aniya ng gobyerno ang isang mabilis na aksyon para dito. Giit ng pangulo na hanggang sa dulo ng unang quarter, maganda ang buffer ng bansa.

Iniutos din nito sa mga ahensya ng gobyerno at iba pang sektor na tutukan ang paghahanda para sa pagtaas ng water capacity upang kahit umabot sa ikalawang quarter ng susunod na taon ang El Niño, ang bansa ay sapat pa sa suplay tubig na kahit maaaring, sa minimum, makapagbigbigay pa rin ng malinis na tubig lalo na sa mga urban areas.

Sa pamamagitan ng pagtiyak na may sapat na suplay, aniya, maari pa ring may mapagkukunan ng tubig ang sektor ng agrikultura at industriya, pati na ang mga pasilidad sa medisina na hindi kayang mag-operate nang walang tubig kasama na ang mga ospital.

Hindi aniya makakapag-operate ang mga ospital nang walang tubig, at sa pagsimula ng tagtuyot, magiging mas mahalaga ito.

Dagdag nito sa proyektong tubig tulad ng binuksan sa Muntinlupa City sa tulong ng pribadong sektor, nagpahayag ng malaking pag-asa ang pangulo na kayang harapin ng bansa ang epekto ng El Niño.

Ayon sa pangulo, may isa pang ganitong pasilidad sa Mandaluyong, at tatlong karagdagang bubuksan sa Cavite.

Kailangan aniyang makumpleto ang pagpapatayo at operasyon ng mga pasilidad na ito upang kahit paano’y handa para and bansa sa pagdating ng tagtuyot sa susunod na taon.

Ayon sa kanya ang  El Niño ay isang seryosong problema. Subalit sa pamamagitan ng kakayahan ng pribadong sektor at pampublikong sektor, marami aniya ang magagawa pa bago tuluyang umarangkada ng husto ang El Niño. (HJPJF – PIA SarGen)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -