28.1 C
Manila
Lunes, Enero 20, 2025

Escudero: GDP ng bansa, dapat pataasin

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIKAYAT ni Senador Escudero ang mga economic manager ng bansa na pataasin ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa upang mapanatili ang debt-to-GDP ratio sa mas manageable na antas.

Ayon sa mambabatas kung ipagpapatuloy ang kasalukuyang average na pangungutang ng bansa ay maaaring lumobo sa P27.4-T ang ating utang pagdating ng taong 2028.

Kasunod ng ratipikasyon ng 2024 General Appropriations Bill (GAB) sa Senado. Pinahayag ni Escudero na kung nais ng bansa na mapanatili ang 60 percent debt-to-GDP ratio ay dapat madoble ang GDP ng Pilipinas pagsapit ng taong 2028.

Ipinaliwanag ng senador na sa pagtatapos ng anim na taong panunungkulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at sa anim na buwan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong 2022 ay nakapagtala ang Pilipinas ng P13.6 trillion na utang.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -