27.3 C
Manila
Biyernes, Nobyembre 22, 2024

Victorias City nag-aalok ng psychosocial support sa mga residente, empleyado

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIBIGAY ng libreng counseling services ang Lungsod ng Victorias sa Negros Occidental sa mga residente at empleyadong nangangailangan ng psychosocial support.

Ito ay bahagi ng adbokasiya ng pamahalaang lungsod na mahalaga ang mental health ng bawat isa.

“Layunin ni Mayor Javier Miguel Benitez, sa pamamagitan ng City Culture and Ethics Office (CCEO) sa pakikipagtulungan ng City Health Office (CHO), na itaas ang mental health awareness. The more we know about mental health, the better,” sabi ng pamahalaang lungsod sa isang pahayag nitong Lunes.

Sa dalawang Lunes ng buwan, ang CCEO at ang CHO-Mental Health Services ay naglalabas ng mga paalala sa social media na may kaugnayan sa mental health awareness.

Ang CCEO, na pinamumunuan ng Culture and Ethics officer, Dr. Joselito Diaz, ay nag-aalok ng iba’t ibang programa at serbisyo, isa na rito ang libreng serbisyo sa pagpapayo sa mga empleyado ng lungsod na maaaring mangailangan ng psychosocial na suporta.

Nakipag-ugnayan na rin ang ito sa iba’t ibang hotline na maaaring tawagan ng mga nangangailangan ng pagpapayo tulad ng Tawag Paglaum-Centro Bisaya 24/Crisis Intervention and Suicide Hotline at National Center for Mental Health Crisis Hotline.

Layunin ng CCEO na tulungan ang mga manggagawa ng lungsod sa sikolohikal na pag-unlad, na higit na tumututok sa kalusugan ng isip sa pamamagitan ng mga regular na motivational talk at mga video sa sikolohikal na pagpapayaman para sa mga Victoriahanon.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -