26.5 C
Manila
Sabado, Disyembre 21, 2024

Parking spaces sa mga paaralan, gagamitin sa Baguio

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKIKIPAG-UGNAYAN ang Baguio City Police Office (BCPO) sa mga pampubliko at pribadong paaralan para sa paggamit ng kanilang mga parking space.

Larawan mula sa Baguio City Public Information Office Facebook page

Sinabi ni Lt. Col. Zacarias Dausen, hepe ng BCPO Traffic Enforcement Unit, sa isang media briefing noong Miyerkules (Disyembre 13, 2023) na kung papayagan sila ng mga paaralan, humigit-kumulang 600 parking slots ang makakatulong sa pagpapaalis ng mga sasakyan sa mga pampublikong kalsada.

Mayroon umanong 2,537 magagamit na mga parking slots kabilang ang mga paradahan sa mga tabi ng kalsada at sa central business district.

“Naghahanda kami para sa posibleng pagdagsa ng mga turista, na nakita naming pare-pareho sa mga nakaraang linggo, lalo na noong nagbukas ang lungsod ng ilang pang mga atraksyon,” ani Dausen.

Ayon sa city tourism office, halos 80,000 turista ang dumadating sa lungsod tuwing weekend simula noong Nobyembre.

Ang iba pang hakbang ng BCPO upang maibsan ang sitwasyon ng trapiko ay maglagay ng information desk sa mga pangunahing entry point sa lungsod; bakasyon lanes na patungong diversion roads upang maiwasang maipit sa gridlocks traffic sa loob ng central business district; at mga leaflet, mapa, at listahan ng mga establisyimento ng pagkain na ipapamahagi sa mga bisita.

Palalakasin din ang mga social media advisories para ipabatid ang publiko sa real-time ang tungkol sa trapiko at mga kondisyon ng kalsada, habang ang mga anti-road obstruction team sa mga barangay ay isasaaktibo upang maiwasan ang ilegal na paradahan, lalo na sa central business district.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -