GINANAP ang Turnover Ceremony and Training on the Operations and Monitoring of Hydroponics Greenhouse System kahapon, Disyembre 12, sa Bahay Pag-asa at Bahay Sandigan dito sa Brgy. Longos.
Ayon kay Malabon Mayor Jeannie Sandoval, “layunin ng proyektong ito na mabigyan ng pagkakataon ang ating mga residente dito para sa experiential-based learning at oportunidad para makapagnegosyo sa Bahay Sandigan at Bahay Pag-asa.”
Ipinagkaloob ng Department of Science and Technology (DoST-NCR) ang hydroponics technology greenhouse system sa pakikipagtulungan na rin ng City of Malabon University – Research and Extension Services at ng Malabon City’s City Social Welfare and Development Department (CSWDD).
Samantala, nagkaroon ng mahalagang pagpupulong kasama ang MCAT, City Health Department, at PNP Malabon upang talakayin ang Malabon City Accomplishment for Tobacco Control Program Year 2023!.
Paliwanag ni Mayor Sandoval, “Bahagi ito ng pagsisikap upang palakasin ang kampanya laban sa masamang epekto ng paninigarilyo sa ating kalusugan at kapaligiran.”
Nagpasalamat din si mayora sa lahat ng nakibahagi sa makabuluhang talakayan. “Patuloy po tayong magtulungan tungo sa mas ligtas at malusog na kinabukasan para sa Malabon.”