NAHIRANG si Barbie Tiangco bilang bagong public relations officer ng Manila Mayors’ Spouses Foundation Inc. Si Barbie ay butihing asawa ng kasalukuyang mayor ng Navotas City na si Mayoir John Rey Tiangco.
Nanumpa siya sa tungkulin noong Disyembre 4 sa tanggapan ni First Lady Liza Araneta-Marcos.
Ayon kay Tiangco, “Proud na proud po at nagpapasalamat po tayo na katuwang natin sa paglilingkod ang aking butihing asawa.”